Advertisers
KINUMPIRMA ni Kai Sotto kahapon na maglalaro siya sa Philippine national team sa darating na window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.
“I’m heading home soon,” Wika ni Sotto, na kasalukuyang nagsasanay sa Team Ignite upang paghandaan ang parating na season ng NBA G League.
“Sobrang excited ako sa binigay na opportunity para makapaglaro sa Gilas ngayong February window,” dagdag pa nya.
Ang Gilas Pilipinas ay maglalaro sa “bubble” sa Clark, Pampanga, kung saan makakalaban nila ang South Korea ng dalawang beses at Indonesia isang beses sa final qualifying window para sa continental tournament.
Ang Pilipinas ay kasalukyang may 3-0 rekord sa Group A at kailangan lang ng isang panalo sa kanilang parating na games para makatiyak ng puwesto sa FIBA Asia Cup ngayon taon.
Ang national team pool ay kasalukuyang nagsasanay sa Inspire Sports Academy sa Calamba,Laguna para maghanda para sa qualifiers.