Advertisers

Advertisers

4 NAGPOSITIBO SA FREE DRIVE-THRU SWAB TEST NG MAYNILA

0 287

Advertisers

APAT ang nagpositibo sa COVID-19 mula sa may 242 na sumailalim sa libreng drive thru swab test na isinagawa ng Manila Health Department (MHD) sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Nabatid sa ulat ng MHD na isa sa apat ay taga Maynila at ang tatlo naman ay taga ibang lugar.

Nasa 238 naman ang nag negatibo sa swab test at nakipag uganayan na ang MHD sa mga LGUs na nakakasakop sa tinitirhan ng mga nag positibo para dalhin sila sa isolation area.



Sa kasalukuyan ay may 393 aktibong kaso ng COVID 19 ang inaalagaan sa mga isolation facilities ng lungsod.

Samantala,sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na nagsasagawa na ng planning at training ang mga healthcare workers at frontline workers ng lungsod bilang paghahanda sa COVID 19 vaccination program.

Matatandaang sinabi ni Moreno na sa Marso dadating kung mapapaaga ang mga inorder na vaccine habang sa Setyembre naman ang pikamatagal na pagdating nito. (ANDI GARCIA)