Advertisers

Advertisers

DISKWENTO SA BUSINESS PERMIT RENEWAL, HANGGANG JAN. 31 – ISKO

0 273

Advertisers

GOOD news sa lahat ng mga to business owners sa Maynila. Inanunsyo ni Mayor Isko Moreno na ang pagbibigay ng especial discount sa lahat ng mga magre-renew ng kanilang business permits sa lungsod ay extended na hanggang January 31.

Ayon kay Moreno ang renewal ay maaring gawin sa mga itinakdang lugar sa SM Manila sa harap City Hall kung saan nagsimula ng magproseso noon pang unang linggo ng Enero.

Pinuri ni Moreno si business permit and licensing office chief Levi Facundo sa pagtatatag ng Business One Stop Shop (BOSS) sa 4th Floor level ng SM Manila kung saan ang mga business owners ay maaaring masiyahan sa kombinyente, maluwag at airconditioned na lugar kung saan sila magta-transact.



Sinabi ni Facundo na maaaring pumunta ang mga business owners araw-araw mula 7 a.m. hanggang 5 p.m. Lunes hanggang Biyernes at 10 a.m. hanggang 4 p.m. tuwing Sabado.

Ayon pa kay Facundo, ang mga business establishment owners sa Maynila ay makakakuha ng ten percent discount mula sa lungsod kung sila ay magre-renew ng kanilang business permits hanggang January 31, 2021. Ang dating deadline ay January 20, 2021

Para sa mas komportableng paraan ng pagbabayad ay hinikayat ni Moreno ang mga establishment owners na magbayad online upang makaiwas sa abala tulad ng pag-alis pa ng bahay, gastos sa transportation at gasolina, trapik, at paghahanap ng mapaparadahan ng sasakyan.

Sa pamamagitan ng GoManila app, sinabi ni Moreno na maiiwasan din ang posibleng exposure sa COVID-19 dahil di na sila kailangan pang lumabas ng kanilang bahay at maaari ng magbayad kahit na anong oras.

Pinasalamatan din ng alkalde si electronic data processing (EDP) chief Fortune Palileo sa pagpapanatili ng mabilis at epektibong online system of payment ng pamahalaang lungsod para sa kaginhawahan ng mga taxpayers at iba pang transaksyon. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">