Advertisers

Advertisers

BI-FSU Raquero, tuloy ang trabaho sa gitna ng pandemya

0 242

Advertisers

SA kabila nang may pandemya ay umabot pa rin sa 55 ang mga “foreign fugitives” na wanted sa kani-kanilang bansa dahil sa mga seryosong krimen ang nagawang arestuhin ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (BI-FSU) nitong nakaraang taon.

Dahil nga sa pandemya at umiiral na quarantine restrictions ay hindi pa nga gaanong nakakilos nang lagay na ‘yan ang FSU na pinamumunuan ni Bobby Raquepo. Nagawa pa din ng grupo nitong mag-surveillance at mag-operate laban sa mga wanted na banyaga.

Pero sa kabila niyan, hindi kuntento si Raquepo dahil nga naman noong 2019 ay umabot sa 420 ang naaresto ng FSU operatives.



Kasama sa mga dinakip nitong panahon ng pandemya ay mga sex offenders, investment scammers, swindlers at telecommunications fraudsters.

Ani Raquepo, ang pagdakip sa mga banyagang fugitives o nagtatago sa batas ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa kanilang mga foreign counterparts na siya ring nagsasabi sa FSU ukol sa mga uri ng krimen na nagawa ng mga nasabing wanted na banyaga sa kanilang bansa.

Sa mga dinakip nitong 2020, karamihan o 26 ay mga South Koreans. Sinundan ito ng 10 Japanese nationals, nine Americans at anim na Chinese nationals at tig-isang Briton, Russian, Czech at Saudi national.

Sa pagpasok naman nitong bagong taon ay nakaaresto na ang FSU ng dalawang Koreano.

Ang isa dito na kinilalang si Seo Jungnam, 41, ay wanted sa Korea dahil sa pag-operate ng online prostitution advertising site samantalang ‘yung isa naman na kinilalang si Lee Hoonhee, 47 ay umupa diumano ng mga kapwa Koreano upang ipapatay ang taong pinagkakautangan niya.



Sa kanilang dalawa, ito palang si Seo ay mas matagal na sa bansa dahil 2015 pa pala ito nakapasok at naninirahan sa Pilipinas.

Wanted siya sa Korea dahil sa mga kasong sexual exploitation at prostitusyon dahil sa paglalagay nito ng prostitution advertisements online at maging sa mga kilalang business areas sa kanyang bansa.

Sa mga nahuling banyaga, karamihan ay sangkot sa mga kasong fraud at economic crimes gaya ng telecom fraud, cybercrime fraud at gayundin, sa iba’t-ibang uri ng sexual offenses.

Mabuti na lamang at hindi nagpapa-awat ang grupo ni Raquepo sa pandemya. Kundi ay nalusutan sana tayo ng mga makasalanang banyagang ito.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.