Advertisers

Advertisers

Sec. Galvez: 15-day MECQ sa NCR at iba pang lugar ‘di sapat para masugpo ang COVID-19

0 294

Advertisers

Aminado si National Task Force Against COVID-19 Chief implementer Carlito Galvez na hindi sapat ang itinalagang 15-araw na pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region( NCR) at karatig-lugar para mapigil ang mabilis na pagkalat ng COVID-19.
Inihayag ni Galvez na inaasahan nilang hindi ganap na mapigil ang pagkalat ng virus pero puspusan ang kanilang gagawin at pagpapatupad ng mga strategies upang maibaba ang mga bagong kaso at mabawasan ang bilang ng mga namamatay sa COVID-19.
Ayon pa kay Galvez, nakatakdang bisitahin ng mga kinauukulang opisyal ang mga critical areas upang turuan ang mga local government officials sa pagpapatupad ng localized lockdowns o zoning.
“As we expected yung 15 days na yan is not enough to address or arrest COVID cases. But we will continue to work hard na yung lahat ng mga strategies natin ay mapababa talaga natin ang new cases and at the same time minimize yung deaths, ” ani Galvez
Dagdag pa ni Galvez na bibisitahin din ng One Health Command ang lahat ng ospital upang makita at mamatyagan ang kanilang preparasyon at bigyan suporta ang mga health proffesional at mga health workers para pag-ibayuhin pa lalo ang mga nakaambang tungkulin. (Josephine Patricio)