Advertisers

Advertisers

Pinas, nahaharap sa krisis sa pagkain

State of calamity, hiniling ideklara 

0 292

Advertisers

NAHAHARAP ngayon sa matinding food crisis ang bansa dahil sa kakulangan ng supply dulot ng maling sistema pinaiiral ng gobyerno.
Sinabi ni Dating Cong. Nicanor Briones, kasalukuyang Pangulo ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP) at Vice President for Luzon ng Pork Producers Federation of the Philippines na inaasahang tataas pa ang presyo ng baboy sa mga pamilihan sa mga darating na buwan.
Tatlo ang naging dahilan ng lumalalang food crisis sa bansa ito ang isinasagawang sobrang importasyon ng mga produkto ng karne, smuggling at African Swine Flu (ASF).
Pahayag ni Briones, na patuloy na lolobo ang presyo sa merkado ng mga karne ng baboy kung hindi matutulungan ang mga hog raisers na maibabalik ang kanilang malaking pagkalugi nang tamaan ng ASF ang kanilang mga alagang baboy.
Binigyan diin ni Briones na hindi solusyon ang importation ng baboy tulad ng sinabi ni Dept. of Agriculture Usec Noel Reyes na simula Pebrero, aangkat ng karne ng baboy sa United kingdom (UK) at United Stated (US) dahil nakakatiyak silang walang ASF sa nasabing mga bansa.
Sinasabing umabot na sa 70% ng suplay ng baboy ang nawala sa Luzon katumbas ng 5 milyong ulo ng baboy dahil tumigil nang mag-alaga ang mga hog raisers nang pagpapatayin lahat ang kanilang mga alaga nang makapasok ang ASF sa Luzon.
Ayon kay Briones, kulang na kulang ang suporta ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura upang makontrol ang ASF.
Iminungkahi ni Briones na bawasan ang importasyon ng mga meat product dahil lumalala ang smuggling ng agricultural products bukod pa sa mababa na ang taripa ng mga imported meat dahil hindi idinedeklara ang totoong laman ng ini-import na karne.
Ipinahayag ni Briones, na nararapat lamang na unahin ang paglalagay ng ‘first border inspection facility’ upang mabawasan ang technical smuggling na magdedetik ng mga laman ng inimport na produkto.
Hiniling naman ng mga magsasaka na magdeklara ng state of calamity para makapaglaan ng budget para sa pagbibigay ng food subsidy.
Ayon pa kay Briones, malaki ang maitutulong nito para sa mga magsasaka sa pagkaubos ng kanilang mga alagang baboy dahil sa maling protocol.
Aniya, hindi nababahala ang gobyerno na mamatay ang lokal product dahil sa patuloy na importasyon.