Advertisers

Advertisers

Andrea dedma sa relasyong Ellen at Derek; KC feel ibalik makipagsulatan kay Mommy Mega

0 310

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO
SA ngayon ay hindi makikitaan si Andrea Torres na apektado sa nangyari kanyang lovelife. Sa edad na 30 ay alam na ni Andrea ang dapat at hindi dapat pag-ukulan ng pansin.
Sa kanyang interview nga nasabi niya na once na nakipagkalas siya sa kanyang boyfriend ay ‘yun na at wala nang dapat pag-usapan pa.
Sa mga naglabasan kasing write-up na si Ellen Adarna na raw ang bagong lolokohin, este bagong love ng ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay, dedma at hindi nakitaan ng pagkaapekto ang sexy actress.
Sabi nga ng mga netizen, dapat lang magpasalamat ni Andrea na nakakalas siya sa ex na walang naging bunga ng kanilang pagmamahalan. Kung nagkataon ay kawawa ang bata dahil maaga itoing nakaranas ng broken family.
Anyway, hindi rin apektado si Andrea na hindi natuloy ang dapat sanang project na pagsasamahan nila ni Derek na Sanggang Dikit dahil una ay may soap din siyang ginagawa sa GMA 7, ang Legal Wives kasama sina Alice Dixson at Bianca Umali with Dennis Trillo sa character na isang Maranan Muslim na husband  nilang tatlo.
Dapat kasama rin sa cast ng Legal Wives si Megan Young na nag-beg off sa hindi malinaw na dahilan. Tila hindi raw kakayanin ni Megan ang lock-in taping.
Sa isyu na si Ellen na ang naging kapalit niya sa puso ni Derek ay hindi apektado si Andrea. Ngayon pa na balitang isang super rich guy ang masugid niyang manliligaw.
Maingat na ngayon si Andrea sa magiging boyfriend at tila natauhan na ito sa mga naging `warning` sa kanya ng followers at nagmamahal na hindi dapat seryosohin ang isang tulad ni Derek na diumano ay mahilig lang magpasarap.
***
GUSTO ni KC Concepcion na ibalik ang dati nilang tradisyon ng kanyang ina na si Sharon Cuneta. Ibinahagi ni KC sa latest vlog niya kung paano sila laging nagsusulatang mag-ina.
“We used  to write with each other every few days and she would  tape it on my door and  I would  tape my letter on her door. Then it stopped. So I am aiming to restart  the tradition.”