Advertisers

Advertisers

SEKYU SA BAYBAY-DAGAT

0 928

Advertisers

DAHIL sa presidenteng duwag at walang paninindigan, mistulang mga sekyu sa dalampasigan ang mga tauhan ng Philippine Navy. Nanonood na lamang sila habang nagtatagisan ng galing ang mga sundalong pandagat ng Estados Unidos at Australia na kasali sa joint naval exercises sa international waters sa South China Sea.

Imbitado ang Filipinas na sumali at batay ito sa tradisyon, ngunit ipinagbawal ni Rodrigo Duterte, ang lider na walang buto, na huwag sumali ang Philippine Navy. Walang magawa ang pamunuan ng Sandatahang Lakas kundi ang sumunod sa utos ng kanilang Commander-in-Chief bagaman walang ibinigay na paliwanag ang huli.

“Paano nasisikmura ng Armed Forces ang utos ni Duterte? Mukhang beach patrol na lang Philippine Navy?” ayon sa isang netizen na nagpahayag ng pagkabahala sa paninindigan ni Duterte. “Mistulang sekyu sa baybay-dagat ang ating Navy,” ayon sa isa pang netizen na hindi maiwasan ang magpatawa sa asal ng Sandatahang Lakas.



“Mukhang bayad naman sila para huwag pumalag at manahimik,” ani isang netizen na hindi maiwasan ang pagiging sarkastiko. Pawang nagkakasundo ang maraming netizen na nawala ang magkasamang dangal at bangis ng kawal Filipino. Sunod-sunuran na lang sa presidente na pinaghihinalaang taksil sa interes ng sambayan.

Walang ipinakita si Duterte kundi ang karuwagan at kawalan ng paninindigan sa pananakop ng China sa kabuuan ng South China Sea. Bagaman hawak ng Filipinas ang alas na baraha – ito ang desisyon ng UNCLOS Permanent Arbitral Commission na nagpapawalang bisa sa pag-aangkin ng China sa South China Sea – hindi kumikilos si Duterte at patuloy na ikinakatwiran na walang magagawa ang Filipinas.

Pinangangambahan na si Duterte at ang pangkat ng mga lingkod bayan na mula sa Davao City ang makabagong makapili, o taksil sa bayan na walang ipinakikita kundi ang pagkiling sa interes ng China. Sa maikli, napainan ng mga pinaniniwalaang ahente ng China ang gobyerno ni Duterte. Isa itong masalimuot na usapin sa ngayon.

***

MAY paliwanag ang aming kaibigan na Philip Lustre sa mga dahilan bakit hindi popular si Noynoy Aquino sa mass media noong siya ang nakaluklok sa Malakanyang. Pakibasa:



‘HINDI INAYOS’

Kapag kaming mamamahayag ang nagkukuwentuhan tungkol sa pagkakamali ng administrasyong Aquino sa pamamahala sa usapin ng pakikipagtalastasan sa madla, iisa lang ang aming konklusyon: “Hindi inayos ni PNoy ang maraming mamamahayag.”

Sa madaling salita, hindi nagpakawala ng pera si PNoy upang bilhin ang media. Kinuripot. Hindi lang iyon. Pinag-aalis iyong mga mediamen na nasa payroll ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan. Partikular na dito ang PCSO. Mayroon akong kaibigang mamamahayag na tumatanggap sa hindi bababa sa P50,000 kada buwan noong panahon ni GMA. Madalas siyang magreklamo na naghihirap na siya simula ng matanggal sa PCSO. Alam namin iyan. Alam ko iyan.

Bakit? Daang Matuwid daw. Sa sandaling inalis sila sa payroll, kaaway na ni PNoy ang mga iyon. Madali na silang nalapitan ng kabilang panig. Kaya napasama si PNoy. Pero hindi sinasabi ng diretso iyan. Pare-parehong nagpipikit-pikitan. Hindi nga pinag-uusapan iyan kahit ng mga mamamahayag mismo. Isa lang katwiran: Kanya-kanyang raket lang sa trabahong ito. Walang pakialaman.

Hindi talaga naipaliwanag ng ganap ni PNoy ang kaniyang mga nagawa. Kasi nga maraming naging kaaway si PNoy sa hanay ng media lalo na iyong mga nawalan ng hanapbuhay. Iyan ang totoo.

***

MAY magandang obserbasyon ang aming kaibigan na si Roly Eclevia. Kung nakulong si Janet Napoles dahil sa kanyang pagkakasangkot sa P10 bilyon na iskandalo sa Philippine Development Assistance Fund (PDAF), mukhang may matuwid na may makulong sa salang pandarambong sa usapin ng P15 bilyones na dinambong umano sa Philhealth.

Ayon kay Roly, hindi nakakatuwa na nanatiling nakakalaya si Ricardo Morales at ang mga alipures niya samantalang hindi pinapansin ni Duterte ang kasalanan nila sa bayan. Ang pandarambong ay pandarambong, ayon kay Roly. Marapat lamang na may managot sa usapin ng P15-B pondo ng Philhealth na hindi maipaliwanag ng lubos.

Hindi maaalis sa maraming netizen na may kinalaman si Duterte sa dinambong na pondo ng Philhealth. Sapagkat patuloy ang pangangalaga niya kay Morales at iba pang opisyal na sangkot sa iskandalo, hindi maaalis ang pangamba na mismong si Duterte ang nasa likod ng walang patumanggang sabwatan upang ubusin ang pondo ng Philhealth.

***

HINDI namin maaalis ang matawa sa pag-amin ni Ricardo Morales, Philhealth CEO, na mahigit 5,000 ang pangalan ng mga kasapi ng Philhealth ang hindi maaalis sa database ng Philhealth kahit nasa 130 anyos na ang edad ng bawat isa sa kanila. Walang naiharap na kahit anong katibayan na pawang namatay na nga ang nasa database, ani Morales.

Bagaman natatawa kami, hindi na nakakatuwa ang ganitong sitwasyon. Lubhang naitanim ang kultura ng pangungurakot sa Philhealth. Marapat lamang na managot si Morales sa kapabayaan.

***

MGA PILING SALITA: “China, Singapore, Taiwan, South Korea, and Japan did not stop their public transport systems. All of these countries know that continuous, albeit limited, mobility and economic activity are essential to their people’s survival.” – Sonny Trillanes
“Let the NBI and [Office of the] Ombudsman take over the alleged PhilHealth corruption probe to prevent grandstanding by lawmakers. Let the wheel of justice turn immediately and hang the guilty!” Joe Galvez, netizen, photojournalist

“China is ahead in the C-19 [vaccine] race. I predicted this five months ago. It’s like a case of an arsonist selling water to his victims.” – Allan Caneta, artist, netizen

“Again I say! Our present leadership from the rank and file to the top, are like headless chickens. We are never blessed with good and selfless leaders!! At the beginning, we were so blessed with exceptional leaders!! We have Jose Rizal, Mabini, Bonifacio then next, we were blessed again with the likes of Recto, Padilla, Tolentino!! Then Marcos came and God must have other thoughts for us!! He gave us Lapid, Pakyaw, Bong Go, and Bato! The Lord, to complete his joke, gave us Duterte!! Lord, please stop trying to humor us!! Sobra masakit Lord!!” – Rene Saguisag