Advertisers
INIREKOMENDA ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasampa ng kaso laban sa 36 na mga opisyal ng PhilHealth na sangkot umano sa malawakang korapsyon.
Ayon kay PACC Commissioner Grego Belgica, naisumite na nila ang rekomendasyon sa Office of the President.
Umaasa si Belgica na agad na bibigyan ng pansin ng Pangulo ang nasabing rekomendasyon.
Matatandaang ibinunyag ng nagbitiw na opisyal ng ahensiya ang malawakang nagaganap na korapsyon sa PhilHealth sa ginanap na hearing sa Senado.