Advertisers
MAAARI ding magpabakuna kontra sa COVID-19 sa Maynila maging ang mga hindi residente ng lungsod. Ito ang inanunsyo ni Mayor Isko Moreno.
Ayon kay Moreno, bukas ang COVID-19 vaccine program ng city government sa mga Manila residents at non-Manila residents.
“Manilans and non-Manilans, pwede po kayo magpabakuna sa Manila LGU sa sandaling dumating na ang bakuna,” pahayag pa nito sa sa isang social media post.
Matatandaang noong nakaraang linggo, inianunsiyo ng alkalde na lumagda na ang Manila LGU ng tripartite agreement sa national government ay AstraZeneca para sa pagbili ng 800,000 COVID-19 vaccines para sa kanilang constituents.
Nauna ng nagbigay ng libreng testing ang Manila LGU laban sa COVID-19, at maaari ring magpasuri kahit ng mga hindi residente ng lungsod. (ANDI GARCIA)