Advertisers
Ni WALLY PERALTA
PABIRONG tsinika ng guwapong hunk actor na si Wendell Ramos na marami umanong tindera sa palengke sa kanilang lugar ang asar na asar kay Kendra, ang karakter ni Aiko Melendez sa top-rating na afternoon serye ng Siyete, ang “Prima Donnas”.
Kuwento ni Wendell, dahilan sa wala siyang schedule sa showbiz ng araw na iyon, naisipan ng actor na magpunta sa palengke na malapit sa kanilang lugar at bumili ng mga sangkap para sa planong pananghalian ng kanyang pamilya.
Kahit pa naka-face mask at shield si Wendell ay nakilala pa rin siya ng mga tindera. At para bigyan daw ang actor ng tawad sa presyo dapat may kapalit na selfie na malugod naman niyang pinagbigyan.
At dahil kapareha ni Wendell si Aiko sa “Prima Donnas” ay nasambit ng ilang tindera na inis sila kay Kendra dahil masama raw ugali nito at ‘di raw nila bibigyan ng discount si Kendra pag namili sa kanilang puwesto sa palengke.
Ganyan kalupit si Aiko pagdating sa aktingan, kinakarir nang husto ng viewers.
***
MUKHANG karir kung karir kay Thea Tolentino ang pagiging kontrabida. Halos lahat ng proyektong ginawa niya lately sa Kapuso Network ay pawang kontrabida role tulad ng sa ‘Haplos’, ‘Asawa Ko, Karibal Ko’, at ‘Madrasta’.
Ngayon nga sa latest seryeng ginagawa niya ay siya na naman ang main kontrabida sa mga baguhang sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda, sa ‘The Lost Recipe’. Kahit naman kontrabida raw siya palagi ay iba’t ibang level naman ang kanyang ginagampanan.
Ano naman kayang level meron sa kontrabida role niya sa latest serye na ginagawa?
“Ang saya kasi hindi na ako mang-aagaw ng lalaki this time! Talagang ‘yun ‘yung pinaka-nilinaw ko. Tinanong nila kami kung may mga questions po kayo, tapos nagtaas ako ng kamay. ‘Tanong ko lang po, may aagawin po ba ako ulit?’
Ayon pa rin kay Thea, kinumpirma na nga raw ng program manager nila sa kanya na walang sulutan ng lalake sa karakter na gagampanan niya.
Atlit, may sarili nang mundo si Thea sa bago niyang proyekto. At dahil dito, mas naging inspired si Thea, talagang sumabak pa ng kitchen training at sumailalim ng acting workshop.