Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MAY kani-kanyang sagot ang cast ng Magkaagaw sa kung ano ano ang matututunang aral mula sa nabanggit na GMA drama series.
“Ipaglaban ang pamilya at huwag magpapatalo sa mga kabit,” ang maigting na sagot ni Sunshine Dizon.
“That family is very important, na hangga’t puwede mo pang ilaban para mabuo yung pamilya mo, kailangan mong ilaban iyon.
“At huwag magpapatalo sa mga kabit.”
Heto naman ang sagot ni Polo Ravales…
“Para naman sa side ng lalaki, siguro huwag ka na lang mambabae kapag may asawa ka na, kasi magiging magulo ang buhay mo, di ba?
“Yung family, given naman talaga yan. Sa marriage world, parang talagang magugulo ang pamilya mo pag nambabae ka, e. So, iwasan mo na lang.”
“Nasa diyamante ka na, huwag ka nang pumunta sa bato,” sagot naman ni Dion Ignacio.
“Kumbaga, nasa magandang pamilya ka na, tapos nambabae ka… ako, sa ngayon may pamilya na ako.
“Tingin ko, pag nambabae ka, sakit sa ulo. Mai-stress ako, agad akong tatanda.
“Ang aral dito, kagaya ng sabi ni Polo, huwag ka nang matukso.”
Ayon naman kay Jeric Gonzales…
“Ang daming temptation talaga sa mundo.You have to be faithful sa partner mo and kasi ang mga lalaki… maraming magaganda, maraming babae.
“Pero hindi puwede, e. Kailangan isa lang. Kung sinong mahal mo, dapat isa lang. Temptation talaga siya, kailangang iwasan.”
Hindi raw dapat magpatalo sa galit, sinabi naman ni Sheryl Cruz.
“Although galit ka as a person, and as in the character of Veron Santos, na siyang naghiganti dahil naagawan siya ng asawa from the very beginning.
“So, yung poot niya naging malaki. Hindi lang asawa niya ang naagaw sa kanya. Namatayan din siya ng anak.
“Hindi ko alam kung paano ang paghihiganti sa bawat tao sa kapwa niya, pero siguro yung lesson na tinuturo ng show na ito, kung ikaw ay maghihiganti at nakapaghiganti ka na, stop na.
“You don’t want to be the person na kinamumuhian mo.”
Muling napapanood ang Magkaagaw sa GMA Afternoon Prime na tampok sina Sheryl (as Veron), Sunshine (as Laura), Jeric (as Jio), Polo (as Oliver), Dion (as Zander), at Klea Pineda (as Clarisse).
Ito ay sa direksyon ni Gil Tejada, Jr.
***
MUKHANG magiging mainit at katakam-takam ang kumpetisyon sa pagitan nina Thea Tolentino at Kelvin Miranda sa The Lost Recipe na napapanood na sa GMA News TV simula nitong Lunes (January 18).
Rivals sa restaurant business ang mga karakter na gagampanan nina Thea at Kelvin.
“Ako po dito si Ginger Romano. Family namin ang direct competitor ng restaurant ni Kelvin. Magfo-focus ang character ko sa pakikipag-compete talaga sa food industry dahil kami ang leading restaurant na may masarap na adobo. At gagawin ng family namin ang lahat para matalo ang restaurant ni Kelvin,” share ni Thea tungkol sa kanyang role.
Marami na ang nag-aabang sa newest fantasy-romance series mula sa GMA Public Affairs. Gandang-ganda rin ang netizens sa full trailer ng series. May ilan ding nagkukumpara sa The Lost Recipe sa look at feel ng mga KDrama na patok na patok pa rin sa mga Pinoy.
Ang kagandahan nga raw sa The Lost Recipe ay ibibida naman nito ang mga makasaysayang landmark ng Maynila bukod pa sa mga masasarap na Filipino food tulad ng adobo.
Pero kaninong adobo kaya ang mananalo? Kay Chef Ginger o kay Chef Harvey?
Abangan ‘yan sa The Lost Recipe, 8 p.m., sa GMA News TV.