Advertisers

Advertisers

0 734

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

READY na si Onyok na humarap sa kamera at timing naman na may offer ang producer-director na si Reyno Oposa na first movie project nito this 2021 sa kanyang Ros Film Production na ilalahok sa Cinemalaya 2021.

Yes, nang tawagan si Onyok o Dennis Robert Adriano para sa said offer ng kanyang Mommy na si Rosanna Roces ay agad na pumayag ang binata and ang movie ito  ni Direk Reyno ang magsisilbing binyag ng baguhang aktor sa showbiz.



Infairness, maganda ‘yung magiging role niya at sobrang mahalaga para sa pelikula ang kanyang partisipasyon na inspired sa kontrobersyal na kaso ni Christine Angelica Dacera pero gay version ang pelikula ni Oposa.

Start na ang shooting ni Onyok at iba pang cast sa Feb.21 sa condo unit ni Direk Reyno sa Fairview, Quezon City.

Well, sa husay ng kanyang mother na si Osang, for sure ay may ibubuga rin sa

pag-arte si Onyok na panay ang workout na paghahanda sa kanyang acting career.

Well, good luck, malay mo magkamit pa ng award dito ang bunso ni Osang.



***

Ka-Level Na Ng Mga Mega Sikat Na Diva, “Akala” Ni Marion Aunor Umabot Na Sa 25M Streams Sa Spotify

UNTI-unti ay nasusundan na ni Marion Aunor ang popularity noon ng kanyang Mom na si Maribel Aunor.

Yes, ‘yung kanyang “Akala” na themesong ng blockbuster movie nina Anne Curtis at Marco Gumabao ay humamig na ng 25 million streams sa Spotify. Sa taas nito ay maile-level na si Marion sa mga mega sikat nating local female artists.

Malayu-layo na nga ang narating ng singing career ni Marion since maging 3rd place noong 2013 sa Himig P-Pop Love Songs ng Star Music ang kinanta at kinompos na “If You Ever Change Your Mind.”

Naging daan ang pagkakapanalo ng young sultry diva para magkaroon ng maraming shows here and abroad.

Last Jan.15 ay nag-perform si Marion  sa SMDC “GOOD TIMES WITH THE GOOD GUYS” na kinanta niya ang dalawa sa kanyang hits na Akala at Paasa. Napanood ito nang live sa @theofficialsmdc Facebook

Page at sa FB Page rin ng singer na umani ng maraming views and likes.

Samantala, dahil sa pandemic ay tigil muna ang naka-line-up sanang gigs ni Marion. “Since wala pong live shows ngayon, lahat ng gigs and guestings halos online na po. That’s when I decided to revive my Youtube channel (Marion Aunor Official).

“Naging busy  rin po ako sa pag-release ng covers weekly with the help of Viva’s Oomph TV and Aunorable Productions (music and video production ng sister ko na si “Cool Cat Ash (Ashley) para sa aming Aunorable Productions,” say pa ni Marion sa isang interview.

Tatlo sa bagong covers ni Marion ang jazz version ng classic na “Christmas In Our Hearts”  ni Jose Mari Chan, “Here’s Comes The Sun” ng The Beatles at “Can’t Take My Eyes Off You.”

***

PINOY HENYO ONLINE SA EAT BULAGA NAKAAALIW RIN

BAGO ang “PINOY HENYO ONLINE” hosted by Pia Guanio and Paolo Ballesteros and other EB Dabarkads ay may pa-shout out segment muna si Boss Madam Ryzza Mae Dizon kung saan binabati nito ang mga nakatutok sa kanila sa show.

Bongga’t nakaaaliw ring panoorin ang digital edition ng Pambansang Laro na Pinoy Henyo dahil ikaw na nanonood, kahit alam mo na ang sagot sa pinahuhulaan ay nakiki-join din sa pagsagot. Tatlong contestants ang kasali araw-araw na sasagot sa pinahuhulaan

ng host na bawat isa ay pwedeng manalo ng P5K.

Last January 15 ay tanging si Joan ng Valenzuela lang ang nakasagot ng “Stomach” na tamang answer kaya wagi siya ng 5 thousand pieces samantalang tumanggap naman tig-P2K consolation prizes ang dalawang hindi pinalad. Nationwide ang Pinoy Henyo Online at para makasali ay ipadala ang inyong video na naglalaro nito sa pinoyhenyo@gmail.com. Antayin ang announcement ng host sa Eat Bulaga kung isa ka sa mapipiling maglalaro sa said segment.