Advertisers

Advertisers

Celfone ng mga respondent sa Dacera case susuriin ng NBI

0 269

Advertisers

ISUSUNOD na ng National Bureau of Investigation (NBI) na isasailalim sa forensic examination ang cellphone na ginamit ng mga respondent sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ito ay kasunod narin ng pagtatapos ng NBI forensic team sa pagsusuri sa tissues na nakuha ng NBI sa katawan ng 23-anyos na flight attendant bago ito inilibing.
Sinabi ni Guevarra na ang NBI digital forensic ang magsasailalim sa pagsusuri sa mga cellphone ng mga isinasangkot sa krimen, pero hindi tinukoy kung kasama ring susuriin ang mismong cellphone ng namatay.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang NBI sa Makati Medical Center kaugnay sa isinagawa nilang pagsusuri sa bangkay ni Dacera.
Ipinauubuya narin ng kalihim sa NBI kung kailan nila ilalabas ang resulta ng kanilang imbestigasyon.
Una rito, ang grupo mismo ng NBI ang nagtungo sa General Santos City bago ilibing si Dacera para kumuha ng tissues na gagamitin sa imbestigasyon.
Samantala, pinangalanan na ng NBI ang ika-13 person of interest sa krimen na naka-check in sa room 2207 ng City Garden Grand Hotel noong araw na namatay ang flight attendant.
Sa naturang silid naglabas-pasok si Dacera bago ito natagpuang walang malay sa bath tub ng hotel.
Ayon kay NBI Deputy Director at Spokesman Ferdinand Lavin, ang person on interest ay kinilalang si Ethan Maguire na sinundo pa ng NBI sa Region 8.
Posible umanong gawin itong state witness kapag nakumpleto na ang kanyang statement. (Jocelyn Domenden)