Advertisers

Advertisers

Liderato ni ‘Yorme’ sa Maynila

0 331

Advertisers

LIMANG alkalde narin ang inabutan ko sa Maynila, mula kay yumaong Mel Lopez, yumaong Alfredo Lim, ngayo’y Congressman Lito Atienza, Erap Estrada at ngayo’y Francisco Domagoso na mas kilala sa tawag na “Yorme Isko Moreno”.

Sa mga honorableng ito, hindi sa tinatawaran ko ang liderato ng mga nakaraang ama ng Lungsod, mas bilib ako rito sa huli, kay “Yorme”. Siguro dahil sa bata pa ito, updated sa mga makabagong teknolohiya at nahubog narin ng mga nakaraang alkalde kungsaan konsehal siya.

Ang 46-anyos na Yorme Isko, dating matinee idol bago pumasok sa politika, ay siyam na taon (3 terms) naging konsehal at 6 taon (2 terms) naging bise alkalde. Kung hindi ako nagkakamali, nagsimula siya sa politika kasabay ni late Mayor Lim.



Dahil nga matagal siyang naging miyembro ng Konseho, na pinamunuan pa niya ng anim na taon, halos kaibi-gan at kaututang-dila na niya ang mga kasalukuyang konsehal, dahilan para walang kahirap-hirap si Yorme sa pag-hingi ng budget sa konseho sa tuwing may ipatutupad itong programa sa Maynila.

Ang husay sa pamumuno ni Yorme ay kombinasyon ng mga nakaraang alkalde na inabutan niya, partikukar kay Lim kungsaan naging bise alkalde siya ng huli ng dalawang termino.

Pero ang pagiging malikhain ni Yorme at pagka-pusong masa ay dala na ng kanyang pagka-bata at pinagmulang buhay sa Tondo. Kaya ang bawat aksyon niya ngayon ay swak sa puso’t damdamin ng mamamayan ng Maynila.

Tulad lamang ng paghawak sa nakaraang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo at Pista ng Sto. Nino sa Tondo, maayos na nasunod ang ipinatutupad na protocols laban sa pagkalat ng Coronavirus 2019 o Covid-19.

Bago pa ito, nasubukan din ang mahusay na liderato ni Yorme noong mahigpit na ipinatutupad ang lockdown (Enhanced Community Quarantine). Nasuportahan niya kahit papaano ang pagkagutom ng mga residente na naka-lockdown sa kanilang mga tahanan.



Pati sa pagpatupad ng online learning, nabigyan niya ng tablets mga titser at mga mag-aaral sa Lungsod, sa kabila ng halos wala nang koleksyon ang City government dahil sa pandemya.

Kaya hindi kataka-taka kung mag-No. 1 sa survey para sa Vice President at pumasok sa Top 3 para sa pagka-Presidente para sa 2022 election itong si Yorme.

Walang duda, kapag napaganda ng husto ni Yorme ang takbo ng ekonomiya ng Maynila, ang kapital ng Pilipinas, malamang na mahalal siyang Pangulo ng bansa balang araw.

Tama ang desisyon ni Yorme na huwag munang umakyat sa national politics. May dalawang termino pa siya sa Maynila, pagtibayin niya muna ang peace and order at ekonomiya ng Lungsod. Pag nagawa niya ito, taong ba-yan na mismo ang magtutulak sa kanya para pamunuan ang higit 110 milyong Pinoy. Mismo!

***

Kung sa ibang karatig bansa natin tulad lamang ng Indonesia at Thailand ay inaanunsyo sa publiko kung magkano ang per dose ng nabili nilang bakuna kontra Covid-19, bakit sa Pilipinas ay ayaw ipaalam sa mamamayan? Anong meron?

Sabi, kailangan daw kasing isaalang-alang din ang politika at diplomasya. Ngek!

Ang ganitong rason ay palusot nalang ng mga tusong opisyal ng pamahalaan. Mismo!