Advertisers
NASAMSAM ang P200,000 halaga ng shabu sa isang lalaki na sinita lang dahil walang face mask sa Makati City.
Kinilala ang naaresto na si Jayson Ian Barnachea, 24-anyos.
Sa ulat, sinita si Barnachea dahil sa walang suot na face mask habang naglalakad sa Bonifacio St., Barangay Bangkal.
Nang pahintuin ng mga pulis na rumoronda, bigla na lamang umanong tumakbo ang suspek dahilan para habulin ito.
Ayon sa report, nang maabutan si Barnachea, nasamsam dito ang 50 sachet ng shabu na may timbang na 30 gramo na nagkakahalaga ng P204,000.
Nakakulong sa Makati Police Central Police Station si Barnachea .(Gaynor Bonilla)