Advertisers

Advertisers

MAMAMAYAN NG TONDO AT PANDACAN, PINURI NI ISKO

Dahil sa disiplina:

0 289

Advertisers

PINURI ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga mamamayan ng Tondo at Pandacan dahil sa pagpapakita ng ibayong sariling disiplina sa katatapos na Pista ng Sto. Niño.

Sa kanyang talumpati sa regular na flag-raising ceremony, Lunes, Jan. 18 ay binigyang pansin ng alkalde ang kapuripuring disiplina na boluntaryong ipinadama ng mga residente sa pagtugon sa mga ipinagbabawal na outdoor activities, gayundin ang hindi pag-inom ng alak.

Dahil dito ay hinikayat ni Moreno ang lahat na gawin ang sariling disiplina bilang bahagi na ng pang-araw-araw na buhay lalo na sa panahon ng pandemya at kahit tapos na ito.



Pinaalalahan din ni Moreno ang lahat ng mga residente na huwag masyadong ma-excite sa pagdating ng anti-COVID vaccines at kalimutan na ang pagiging maingat at magpabaya dahil patuloy na pumupuksa ng mga buhay ang coronavirus.

Ipinaliwanag din ng alkalde na hindi komo’t nabakunahan na ay totally immune na sa virus.

Ang pinakabenepisyo ng bakuna, ayon sa alkalde ay magkakaroon ang tao ng karagdagang proteksyon at depensa laban sa virus.

Gayunpaman ay sinabi ni Moreno na patuloy na gawin ang minimum health protocols kahit matapos na ang pandemya maliban na lamang kung ipapayo ng mga health experts.

Tuwang-tuwa si Moreno sa nakarating sa kanyang ulat na ang paggunita ng Pista ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan ay payapa, maayos at walang anumang kaguluhang naganap.



Samantala ay sinamahan si Moreno noong Lunes, Jan. 18 nina Vice Mayor Honey Lacuna, city engineer Armand Andres at Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla sa inspeksyon sa inilagay refrigeration system sa COVID-19 vaccines storage facility bilang paghahanda sa pagdating ng nasabing bakuna sa mga darating na buwan.

Ayon kay Moreno ang ‘stand alone storage facility’ ay may refrigeration system na puwede sa lahat ng tipo ng bakuna at sa lahat ng kinakailangam nitong temperatura at mayroon itong hindi napuputol na supply ng kuryente.

Ang lungsod ay gumugol dito ng halagang P9 million kabilang na ang pagbili ng transport coolers kung saan ilalagak ang bakuna habang ito ay ibinabyahe.

Umaasa ang alkalde na makapagbakuna ng 60 porsyento ng populasyon ng lungsod o 2.4 million. (ANDI GARCIA)