Advertisers
NASAMSAM ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Makati City Police ang aabot sa P6 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operations sa lungsod nitong Miyerkoles.
Unang inaresto ang isang alyas “Jay-ar” sa operasyon ng PDEA Special Enforcement Service at ng pulisya sa isang gasolinahan sa Barangay Pio Del Pilar bandang 1:00 ng hapon.
Nakumpiska sa kanya ang isang plastic bag na naglalaman ng 5 plastics na nasa 500 gramo o P3.4 milyong halaga ng shabu.
Kasama dapat ni “Jay-ar” sa transaksyon ang isang alyas “Empoy” pero hindi ito nagpakita.
Bibili dapat sa kanya ang nagpanggap na buyer ng P50,000 halaga ng shabu, pero nakumpiska naman sa kanya ang nasa 375 gramo o mahigit P2.5 milyon.
Sabi ni Jacildo, pawang sa online chat nakikipag-usap ang mga suspek sa kanilang mga binebentahan ng droga na nire-refer sa kanila.
Gumagamit pa sila ng code o sikretong salita para pag-usapan ang transaksyon at nakikipagkita nalang ng personal para makuha ang droga.
Hawak ng PDEA si “Jay-ar” at nasa kustodiya naman ng Makati Police si “Empoy”. (Gaynor Bonilla)