Advertisers

Advertisers

200,000 doses ng bakuna, ikinasa na ni Parañaque City Mayor Olivarez

0 304

Advertisers

SELYADO na ang isang kasunduan para sa pagbili ng 200,000 doses ng bakuna para sa COVID-19 sa pagitan ng pamahalaang lungsod ng Parañaque at ng AstraZeneca Pharmaceutical Phils., na nagkakahalaga ng halos $1 milyon.

Ayon kay Mayor Edwin L. Olivarez, ang multilateral na kasunduan para sa advanced na pagbili ng bakunang AZD1222 sa Pilipinas ay nalagdaan na nitong Enero 10, 2021.

Noong nakalipas na buwan, naglaan din ang lokal na pamahalaan ng inisyal na P250 milyon para sa 2021 budget at dagdag na P1 bilyong “standby” funds para sa pagbili ng bakuna sa COVID-19.



Nabatid din na halos lahat ng lungsod sa Metro Manila, ay nakipagsara na rin ng transaksyon sa advance na pagbili ng bakuna mula sa AstraZeneca.

Dagdag pa ni Olivarez na bukod sa AstraZeneca, intersado rin ang lokal na pamahalaan na makakuha pa ng bakuna mula sa ilang reputable drug manufacturers tulad ng Janssen, Pfizer/BioNTech, at Moderna.

Samantala inihayag naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na malayang pumili ang mga alkalde at gobernador kung ano ang bibilihing bakuna laban sa COVID-19.

Sa pulong kasama ang Cabinet members, sinabi ng pangulo na maaaring pumili ng kukuning bakuna ang mga nasabing opisyal ng gobyerno para sa kanilang mga nasasakupan.

Hindi naman aniya pipilitin ang lahat na makiisa sa ibibigay na bakuna ng national government.



PROTEKSYON DULOT NG BAKUNA VS.
COVID-19 ‘DI PA NATITIYAK NG DOH

Hindi pa sigurado ang Department Of Health (DOH) kung gaano katagal ang immunity na ibibigay ng mga COVID-19 vaccines sa mga indibidwal.

Sa laging handa briefing ng pamahalaan kahapon, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na patuloy pa nila itong pinag-aaralan.

Una nang sinabi ng Biotech company na moderna na hindi bababa sa isang taon ang proteksyon kayang ibigay ng kanilang bakuna laban sa COVID-19.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.

Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!