Advertisers

Advertisers

KATAYAMA BASEBALL ACADEMY AKTIBO NGAYONG SUMMER

0 603

Advertisers

SA napipintong pagluwag ng Inter – Agency Task Force (IATF) sa larangan nang sports bilang antisipasyon sa pagdating ng lunas na vaccine kontra pandemyang Covid-19 sa bansa, isa ang baseball sports sa tinatayang hahataw sa aksiyon sa diamond ngayong taong 2021.

Ang Philippine Amateur Baseball Association( PABA) ang tiyak na magsusulong ng mga programa nito sa taong 2021 partikular na ang matagal nang planadong Philippine Baseball League( PBL) na natengga ng pandemya.

Optimistiko naman si Japanese national Philippine based company executive/ sports enthusiast Keiji Katayama na malapit nang magbalik- diamond ang mga baseball players at coaches at hangad niya ay ngayong summer kaya bilang baseball team owner ay nakahanda anumang oras ang kanyang koponan sa paghataw sa aksiyon.



Binuo ng miyembro ng national baseball team coaching staff , deputy coach ng University of the Philippines Maroons baseball team sa UAAP na si Keiji ang Katayama Baseball Academy ( KBA) Stars at naging aktibo sa field ilang taon na ang nakaraan .

“ If PABA will push through it’s project Philippine Baseball League this summer, definitely our KBA team will participate.Our players are raring to go back at the diamond

“paniguro ng dating baseball varsity player sa kanyang alma mater sa Japan noong kanyang prime.

Intact pa rin ang mga manlalaro ni Katayama sa KBA na binubuo ng mga collegiate players mula UAAP.

Wish din ng Japanese national na may pusong Pinoy na mapabilang na rin ang sport na baseball para sa 31st Southeast Asian Games Vietnam 2021 sa Disyembre upang maidepensa ng Pilipinas ang overall SEAG champion title na nakopo noong nakaraang taon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">