Advertisers

Advertisers

6 MIEMBRO NG PAMILYA MINASAKER

0 320

Advertisers

KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang inabot ng anim na miyembro ng isang pamilya nang pagbabarilin at sunugin pa ang kanilang bahay ng grupo ng kalalakihan sa Siocon, Zamboanga Del Norte.
Nakilala ang mga pinaslang na sina Carlito Advincula Aban, 60; Aldrin Berdanio Aban, 20; Shannyn Cris Berdanio Aban, 17; Stephen Advincula Aban, 13; at Rosalia Navales Quirit, 45, pawang taga-Sitio Padaun, Barangay Candiz, Siocon.
Ayon kay BGen Jesus D. Cambay Jr., Regional Director, PRO9, 12:40 ng madaling araw nang mangyari ang pamamaril sa pamilya at panununog sa bahay ng mga ito sa Sitio Padaun.
Sa ulat, nagawa pang makatawag ni Aldrin sa kanyang kapatid na si Tairon na sinugod umano ang kanilamg bahay ng isang Elpi-dio Obiniana alias Balondong kasama ang ilang ‘di kikilang mga salarin.
Agad nagtungo ang mga otoridad sa nasabing lugar, nguni’t nadatnang upok na ng apoy ang bahay ng mga biktima.
Sa pagsisiyat, natagpuan ng mga pulis ang mga bangkay ng pamilya na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Pinaniniwalaan ng mga otoridad ang matagal nang alitan ang motibo ng pagpatay sa isang pamilya. (Mark Obleada)