Advertisers
Ni WALLY PERALTA
UNANG nagtambal at tinangkilik ng masa ang tambalan nina Ken Chan at Rita Daniela sa teleseryeng “My Special Tatay,” isang pokpok ang karakter ni Rita samantalang si Ken ay may mental health problem.
Dahil nag-klik ang loveteam nina Ken at Rita ay nilagay ang tambalang Ritken sa primetime via romcom serye na “One of the Baes.” At ngayon nga ay may bago na naman silang serye, ang “Ang Dalawang Ikaw” na mag-asawa na sila at si Ken ay mayroon ulit mental health problem and by this time, may multiple personality ito.
“Dahil nanggaling kami sa ‘My Special Tatay’ and ang pinag-uusapan pa rin dito ‘yung mental health. Dito sa teleserye na ito mental health ang focus ng storya. Talagang isa na namang very challenging na project ang binigay sa amin. This is all about DID or dissociative identity disorder, a very sensitive topic.
“Maraming marami sa atin ang hindi nakakaalam kung ano ba ang ibig sabihin ng dissociative identity disorder o ‘yung multiple personality,” kuwento ni Ken.
Mas mabigat ang karakter ni Ken kaysa kay Rita, okey lang kaya ito sa singer/actress, knowing loveteam sila?
“Ever since kasi I’ve been wanting to really portray a very mature and serious role. Ako mas na-excite rin ako for Ken kasi sa totoo lang, napakahusay ng ginawa niya kay Boyet. So kailangan niyang malagpasan ‘yung Boyet na ginawa niya,” say naman ni Rita.
Bukod sa teleserye ay excited din ang dalawa sa pagpapalabas ng kauna-unahang pelikulang nagawa nila, ang “Huling Ulan sa Tag-Araw” na may original working title na “My First and Always,” sa direksyon ni direk Louie Ignacio.
***
LOVE at first sight! ‘Yan ang drama ni Derrick Monasterio nang makita ang byuti ni Bianca Umali.
Sina Bianca at Derrick kasi ang magka-love interest sa latest serye ng GMA-7 na “Legal Wives” na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Alice Dixson at Andrea Torres.
Sa naturang serye, isang Katoliko ang papel ni Derrick na iibig sa Muslim na si Bianca.
Say ni Derrick, feel na feel niya ‘yung eksena sa naturang serye na first time na makikita niya si Bianca. Emote si Derrick na nakakita raw siya ng isang anghel, isang babaeng may beautiful face kaya hindi raw niya mapigilan ang sarili na ma-love at first sight.
Tsika ngang tila hindi raw umaarte si Derrick at natural ang dating ng hunk aktor sa eksena. Knowing Derrick, I’m sure hindi siya eeksena sa isang babaeng may karelasyon na and to think kasamahan pa niya sa trabaho ang boypren ngayon ni Bianca.
Buong pagmamalaki ring sinabi ni Derrick ang mga aral na matututunan ng viewers sa “Legal Wives.”
“Matututunan n’yo ‘yung family ethics ng Muslim, ‘yung idiosyncrasies ng Muslim love, forbidden love between Muslim and Catholic, ‘yung dynamics, makikita niyo lahat ‘yan,” say ni Derrick.