Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NAGISING na sa katotohanan si Andrea Torres na hindi sila para sa isa`t isa ni Derek Ramsay. Nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagmamahalan.
Una pa lang pagsasama nina Andrea at Derek ay dinagsa na ng paalala ang actress na mauuwi rin sa break-up ang relasyon nila. At totoo nga ang haka-haka ng mga nagmamahal sa actress.
Ngayon kahit hindi na magsalita pa si Andrea ay dinaranas pa rin nito ang sakit ng kanilang break-up ng actor.
Mabuti na lang at may bagong serye si Andrea sa GMA 7. Malaking tulong ito para makalimot sa dinanas na hiwalayan kay Derek.
Isa pa sa puwedeng makatulong sa sakit sa pag-ibig ni Andrea ay ang pagdating ng isang super rich guy na manliligaw. Grabe sa yaman ang lalaki na may iba`t ibang negosyo raw sa iba`t ibang bansa.
Nagkita at nagkakilala sila ng rich guy nang mag-show si Andrea sa ibang bansa. Pero that time ay may girlfriend ang nasabing negosyante.
Ngayong pareho na silang loveless ay nagtangka nang manligaw ito na posibleng magpasaya muli sa nagdurugong puso ni Andrea.
Pero tila bantulot pa sa ngayon si Andrea na muling umibig dahil sa sakit na nadama kay Derek.
Kung sakaling umibig daw muli si Andrea ay sisiguruhin niya na magiging private na ang kanyang lovelife. Nadala na umano siya sa open relationship.
***
Wilbert Tolentino umarte sa Team JOSA
May bagong pasabog ang businessman at former Mr. Gay World titlist na si Wilbert Tolentino. Umaarte na rin siya sa collab niya sa Team JoSa (Jomar Lovena at Sachzna Laparan) sa vlog.
“HAHAHA. Hiraaap naman ng ganap ko dito,” post ni Sir Wilbert sa Facebook account.
Bukod dito, mayroon din silang collab ni Raffy Tulfo na inireklamo niya ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake. Ang reklamo niya ay ini-scam siya umano sa ginawa nilang colab para sa itlog challenge. Diumano ay nangungutang din ang staff ni Zeinab ng P50,000.
Pero sa bandang huli ay si Wilbert ang na-prank nila sa halip na si Zeinab.
“Una sa lahat isang karangalan ang ma-prank ako ng dalawang hinahangaan ko sa YouTube na si Zeinab Harake at siyempre kay Idol Raffy Tulfo na aking tinitingala pagdating sa public service. Maraming salamat idol Raffy at pinaunlakan ninyo ang aking imbitasyon na para sana kay Mamshie Zeinab.
“At kay Zeinab, isa ka talagang prankster! Masaya ako at finally nakatambal ko kayo. Balang araw, makakabawi ako sa inyong kabutihan,” say pa ni Sir Wilbert sa kanyang Facebook account.
Samantala, namahagi rin si Sir Wilbert sa kanyang mga kafreshness na subscribers sa YouTube last December 24 for Noche Bola Raffle Bonanza.
Si Sir Wilbert ay kilalang co-owner ng tatlong entertainment bar (Apollo, Club 690, Farenheit ) May malaki rin siyang pasabog na event kapag bumalik na sa normal ang lahat at may vaccine na.
Mag-o-organize siya ng The Philippines Influencer Awards 2021.