Advertisers

Advertisers

Batang misis sinaksak ng 20 beses ng selosong ka-live in

0 296

Advertisers

NASA kritikal na kalagayan ngayon ang 22-anyos na babae nang pagsasaksakin ng kanyang live-in partner dahil sa selos sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ang biktima na nakaratay sa Divine Hospital sa Urdaneta City ay kinilalang si Elka Marie Cambay na nagtamo ng 20 saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Tumakas naman ang ka-live in nito na si Rodolfo Jimenez, construction worker, na kapwa taga-Zone 4, Barangay Nancamaliran West, Urdaneta City.



Sa report, 3:20 ng hapon naganap ang insidente sa Zone 4. Nagtalo ang mag-live-in nang kumprontahin ng lalaki ang partner dala ng pagseselos. Nauwi sa mainitan ang pagtatalo hanggang sa masaksak ng maraming beses ang babae.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. (Mark Obleada)