Advertisers

Advertisers

BTS fans nabuwisit kay Cayetano

0 245

Advertisers

NABUWISIT ang fans ng BTS kay Taguig – Pateros Representative Alan Peter Cayetano.

Paano kasi, ginamit ang pangalang “BTS”.

Pokaragat na ‘yan!



Ipapaalala ko sa inyo mga mambabasa ng BIGWAS! at Police Files Tonite na tatlong buwan matapos tanggalin sa puwesto ng kanyang mga kasamahan mula sa pagiging speaker ng Kamara de Representantes ay biglang pinaputok na naman ni Cayetano ang kanyang pangalan.

Ang ikinagagalit ng BTS fans ay ginamit pa ang pangalang BTS sa paghahangad na ‘bumango’ ang kanyang pangalan sa publiko.

Pokaragat na ‘yan!

Ang BTS ay isang South Korean boy band na may pitong miyembro na sikat na sikat ngayon sa mga milenyal at kabataang Filipino.

Sa pagbabalik – eksena ni Cayetano sa Kamara mula nang umabsent ito nang ilang buwan, tinawag niya ang kanyang grupo na “BTS sa Kongreso”.



Kasama niya rito ang kanyang mga kabarkadang nasibak din sa kanya-kanyang posisyon na sina Congressmen Dan Fernandez (Laguna 1st District), Raneo Abu (Batangas 2nd District), Michael “Mike” Defensor (Anakalusugan Party-list), Jose Antonio Sy-Alvarado (Bulacan 1st District), Fredenil Castro (Capiz 2nd District), at LRay Villafuerte (Camarines Sur 2nd District).

Nagkamali si Cayetano sa paggamit sa pangalan ng BTS dahil sa halip na makapuntos ito ay dahil nagwawala ngayon sa social media ang mga milenyal at kabataang Filipino na miyembro ng ARMY, ang official fanbase ng BTS.

Hindi sila payag at bad taste raw ang ginawa ng pinatalsik na House speaker.

Ayon sa isang viral tweet ng isang netizen na isang solid ARMY member, kailangan daw nilang magparehistro sa Commission on Election (COMELEC) para sa halalang 2022 upang patunayan ang kanilang lakas kontra kay Cayetano at mga kasamahan nito.

“(You) see, they use BTS to get our votes. Let us prove them wrong. We are not gullible! We won’t allow them to capitalize on our admiration for BTS. We resist this manipulation!”

Sa kagustuhang maging bida ang BTS sa Kongreso sa media nitong isang araw, sinabi ng pangkat ni Cayetano na sila raw ang kakatawan sa “independent majority” na susuporta sa legislative agenda ni Papngulong Rodrigo Duterte habang mananatiling kritikal sa mga panukalang batas na ginagawa sa Kamara.

Pero, ngayon pa lang ay marami na ang nagdududa sa tunay na layunin ng BTS sa Kongreso.

‘Yari kang BTS sa Kongreso ni Cayetano!

Ayon sa ilang eksperto sa politika, dahil wala namang nagawa ang mga miyembro ng grupo ni Cayetano para sa bansa at 110 milyong Filipino ay pinipilit ng mga ito na maging makabuluhan, sa pamamagitan ng pag-angkin nang walang pahintulot sa pangalan ng totoong BTS na may napakalaking fanbase sa ating bansa.

Sigurado raw na mag-iingay at kokontra lang ang pangkat ni Cayetano sa mababang kapulungan ng Kongreso na inaasahang magpapabagal sa pagsusulong ng mga kinakailangang panukalang batas para umasenso ang ating bansa at mamamayang Filipino.

Dapat pala sumama na lang sila sa Makabayan Bloc!

Pokaragat na ‘yan!

May ilang political analyst pa ang nagsasabi na ang naging hakbang ni Cayetano ay isang paraan upang subukin kung kakagatin siya ng publiko lalo’t nagkakapuwestuhan na sa 2022 presidential election.

Si Cayetano ay malapit duluhan ng mga sarbey.

Balak na raw kasing magsolo ni Cayetano at kumawala sa administrasyong Duterte dahil siguradong hindi naman daw siya ang magiging ‘manok’ ni Duterte sa magaganap na “presidential derby” sa 2022.

Nakarating na sa Big Hit Entertainment ang pambabalahura sa pangalan ng hawak nitong BTS at inaasahang magdedemanda ito laban kina Cayetano, Fernandez, Abu, Defensor, Siy-Alvarado, Castro, at Villafuerte.

May mahigpit na polisiya ang Big Hit Entertainment pagdating sa kanilang mga brand.
Kaya, sa halip na bumango, makakalaboso ang mga kasapi ng BTS sa Kongreso!