Advertisers

Advertisers

Riot sa South Cotabato Provincial Jail: 1 patay, 1 sugatan

0 267

Advertisers

PATAY ang isang inmate ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center habang sugatan ang isa pa, matapos saksakin ng kasamang preso sa loob ng kanilang selda sa Koronadal City.
Ito ang kinumpirma ni OIC Provincial Jail Warden Felicito Gumapac.
Kinilala ang nasawing inmate na si Mark Anthony Tuñacao at ang sugatan ay si Rolando Hunas. Sinaksak sila ng kapwa preso na si Mario Kaong.
Napag-alaman na pansamantalang inilagay ang mga biktima sa selda ng salarin upang malinis ang selda ng mga ito na bagong repair lamang.
Ayon kay Gumapac, kapapahinga pa lamang ng dalawa sa nilipatang selda nang bigla na lamang umanong nagkagulo at doon na sinaksak ng dalawa gamit ng improvised na patalim na gawa sa kawayan.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pamunuan ng provincial jail sa insidente.(PTF team)