Advertisers
INIHAYAG ni Senator Christopher “Bong” Go na target ng pamahalaan na masimulan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 bago mataos ang unang quarter ng 2021.
“Sa ngayon po ay ini-expect ng ating national government na, hopefully, bago matapos ang first quarter, makapag-umpisa na tayo makapagturok. Sinisiguro lang natin na safe ang vaccine na bibilhin,” ani Sen. Go matapos niyang persona na pangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa mga nasunugan at tricycle drivers sa Obando, Bulacan.
Sinabi ni Go na siya mismo ang titiyak na ang mahihirap at vulnerable sectors ang uunahing mabakunahan.
Kaya naman hinimok niya ang pamahalaan na palakasin ang information dissemination campaign para magkaroon ng tiwala at kumpyansa ang mga Filipino sa COVID-19 vaccines.
“Ang info campaign, paigtingin pa, at dapat maintindihan po ng bawat Pilipino kung ano bang benepisyo nitong vaccine na ito dahil marami pa pong kababayan natin ang takot at ang attitude, nagtuturuan, kayo muna mauna dahil takot pa sila,” aniya kasabay ng apela kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na tiyaking ligtas at epekto ang gagamiting gamot sa bakuna.
Aniya, dapat ding pag-aralan na ‘di mahuhuli ang mahihirap sa bakuna dahil karamihan ay walang pambili at access dito.
Suportado rin ng senador ang hakbang ng ilang local government units na makipag-deal sa pagbili ng bakuna sa amamagitan ng tripartite agreement.
Hinimok niya si Sec. Galvez na lumikha ng maayos na proseso na gagamitin sa vaccine procurement ng LGUs.
“Ako po, pabor ako d’yan at kung kaya nga po, nakikiusap ako kay Sec. Galvez, since dadaan naman sa kanya lahat, gumawa siya ng proseso paano natin gagawin na mapabilis ang pag-purchase ng LGU para ‘di na hahaba ang layer,” aniya. (PFT Team)