Advertisers

Advertisers

O S M A K (Ospital Ng Makati Alam Lang Kumita)

0 1,026

Advertisers

KASUKA-SUKA at “one for the book” talaga ang naging masamang karanasan natin sa ipinagmamalaking pagamutan ni Makati Mayor Abby Binay-Campos.

Kung isa ka palang taga-labas ng lungsod, bisita o napadaan lamang sa Makati at duon ka inabutan ng indulto o aksidente at kakailanganing sa Ospital ng Makati ka isugod at dalhin ay magpasa-DIYOS ka na lang at taimtim na manalangin!

Puwede kang mamatay sa bulok na klase ng kanilang istilo ng pagtanggap sa mga pasyente at sa malabundok na kunsumisyon!



Sa mga emergency cases pala gaya ng vehicular accidents, kung conscious naman ang pasyente, wag na wag magpadala sa OSMAK dahil madadali lamang ang inyong buhay!

Nito nga pong ika-3 ng Enero, kapapasok lamang ng Bagong Taon 2021,sinamang-palad na maaksidente sa kahabaan ng Gil Puyat Avenue (Buendia) corner Malugay Street ang ang kapatid po nating si Joshua Gicoso at asawa nitong si Mier Jabat makaraang salpukin ng isang wayward White Innova ang kanilang NMAX motorcycle na sinasakyan.

Dinala ng isang rescue response team ang mag-asawa sa OSMAK kung saan isinailalim ang dalawa sa iba’t ibang eksaminasyon gaya ng x-ray, Ultrasound at kung anu-anong laboratory procedures.

Ang kaso mo, nang hingiin na ng nanay ng dalawang pasyente ang resulta ng mga eksaminasyong ginawa ay “after one week” pa raw malalaman!

OMG mother fucker!



Anong klaseng ospital ito kung saan napakatagal ang paglabas ng resulta ng mga importanteng eksaminasyon na kailangang kailangan para agad na magamot at malapatan ng lunas ang injuries ng mga pasyenteng nasa kategorya ng emergency cases? Mapapamura ka talaga!

PUTANG INA!

Ang masakit pa, mismong ang mga pasyente na wala pa sa normal nitong mga katinuan dahil nga sa aksidenteng naganap ang pinapirma sa kung anong dokumento makaraang sapilitang palabasin ng naka-duty na nurse ng OSMAK ang nag-iisang bantay nito.

Nang magpasyang lumipat na lamang ng National Orthopedic Hospital ang mag-asawang Josua Gicoso at Mier Jabat para magamot at maasikaso ng husto ng ibang doktor, tumataginting na bente mil (20k) na resulta pala ng mga pinapirmahan sa mga pasyente noong nasa emergency room (ER) pa ang mga ito at walang ka alam-alam ang mga kamag-anakan ng mag-asawa.

Pati ang ambulansiyang maglilipat sa mag-asawang pasyente mula OSMAK papuntang National Orthopedic Hospital ay tinanggihan dahil di daw umano pwede sa labas ng makati, kung gusto daw ay may bayad.

Kaya pinabayaran din ng OSMAK ang ginamit na ambulansiya dahil tanging mga rehistradong botante at residente lamang daw ng Makati City ang libre.

May sayad pala itong mga taga-OSMAK, gusto ba ng mga taong di taga-Makati na sa nasabing siyudad (teritoryo ng mga Binay-Campos) madisgrasya at sa OSMAk ma-confined?

Lahat ba ng mga naaaksidente na di taga-Makati ay may kakayanang magbayad o mayayaman tulad ni Mayora Abby?

Paano na ‘yung walang-wala na kailangang malapatan ng kinakailangang paunang-lunas na biktima nga ng aksidente, nganga na lamang at hintaying maghingalo hanggang sa mamatay?

Kuwarta lamang ba ang sukatan ng mga opisyales at mga doktor ng Ospital Ng Makati Mayor Abby Binay maam?

Ang ganda pa naman ng imahe n’yo sa taong bayan at sa lahat ng mga Pilipino sa buong bansa.

Na ang lahat ng tao sa Makati ay inyong lubos na pinaglilingkuran!

‘Yun pala, mga botante n’yo lamang ang nasa mabuting kamay! (sabi n’yong mag-asawa mayora)

‘Yung mga walang silbi at hindi makakatulong sa political interest ng mga Binay at Campos sa Makati ay basura na lamang para sa inyo!

Ito ba ang pangit na katotohanan sa likod ng inyong pakitang-taong serbisyo (plastikada) sa Makati?

Again Mayor Abby Binay-Campos maam,wala pong matinong tao na gustong maaksidente.

Lalu-lalo na ngayong nalaman na natin na ganyan pala kayo diyan sa Makati partikular na sa OSMAK.

Totoo nga pala ang sabi ng marami, malayung-malayo sa istilo at serbisyong Binay ang liderato mo Mayora Abby!

Binay ka lamang sa pagka-dalaga ngunit nagbago na ang iyong pag-uugali nang maging Campos ka!

Naging bulok at ipokrito “as in” ang naging serbisyo publiko ng LGU ng Makati magmula nang maupo ka sa city hall.

Nawala na ang minamahal at pinupuring tradisyon ng paglilingkod ng mga Binay hindi lamang sa mga taga-Makati kundi sa mga kapwa nila Pilipino at mga residente ng mga kapit-bahay na mga lungsod dito sa Metro Manila.

Malayung-malayo daw talaga sa mga Binay ang angkang Campos na sa ngayon ikaw Mayora Abby ay nabibilang!

Kaya naman pala “majority” o karamihan sa mga barangay officials at iba pang elected local officials ng Makati ay may kimkim at bitbit na sentimiyento sa iyo Mayora Abby at sa esposo mong si Cong. Lucifer este Luis Campos pala!

Plastikada raw ang klase at uri ng iyong liderato Mayor Abby Binay-Campos!

Take the case of OSMAK na ikaw daw mismo ang nagbigay ng mahigpit na tagubilin sa Director ng nasabing public hospital na ‘wag pagkalooban ng parehas na treatment ang mga hindi residende ng siyudad dahil wala naman daw talagang pakinabang o “balik” ang mga ito sa inyong mag-asawa.

Malinaw po mahal nating mga Pilipino at mga kababayan na KUPAL as in kakupal-kupalan ang mga ganitong sistema!

Muli, sadyang nakakasuka ang uri ng pamumulitika ngayon diyan sa siyudad ni Mayora Abby Binay-Campos!

Bukas ang pitak na ito Mayor Abby sakali mang naisin mong sumagot o pabulaanan ang ating mga ipinahayag dito ngayong araw na ito.

“Yan ay kung handa ka na namang maglubid ng kasinungalingan at magbuhat ng sarili mong bangko!

Mismong mga kapatid at kadugo mo na Mayora Abby ang nagsasabi na naging garapal at magaspang ang iyong pag-uugali matapos na talikuran mo ang iyong pamilyang kinagisnan at sinimulan mong magpaimpluwensiya at maging sunud-sunuran sa asawa mong mambubukol este mambabatas pala!

“Yan ang mapait at masakit na katotohanang nakakapangyari ngayon sa lungsod ng Makati!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com