Advertisers
LAGUNA – Isang chop chop na katawan ng lalaki ang natagpuan sa Jamboree Site sa Barangay Batong Malake, Los Banos, Martes ng umaga.
Sa ulat ng Laguna PNP Public Information Officer, Lt. Col. Chitadel Gaoiran, nadiskubre ng mga residenteng sina Rolando Natananuan, 50, at Joppy Agus, 46, ang chop chop na katawan na nakalagay sa limang black bags 8:46 ng umaga.
Hinala ng pulisya pinaslang at pinagputol-putol ang katawan ng lalaki sa ibang lugar at itinapon dito sa Jamboree Site.
Kabilang sa natagpuan sa lugar ang plastic bag na naglalaman ng kanyang suot na kulay asul na t-shirt at asul na short na itinapon sa bangin na may mahigit 15 metro ang lalim.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni Police SSgt. Alvin Jade Apolinario, may hawak ng kaso, hinihinalang foreign national ang biktima dahil narin sa kaanyang kaanyuan: maputi, katamtaman ang pangangatawan, tinatayang nasa edad 30 pataas, maiksi ang buhok, singkit ang mata at may tattoo sa kanyang likuran na alibata (Chinese character).
Ang mga putol putol na katawan ay inilagak sa Regina Funeral Parlor sa Los Banos. (DICK GARAY)