Advertisers
LAMIG pa naman ngayon doon. Teka, pwede na nga ba? Open na open na nga ba sa turista ang kilalang “Summer Capital of the Philippinss? Welcome na bang magbakasyon ang mga taga National Capital region (Metro manila) sa Baguio? Iyon ang malaking katanungan? Pero maaari na rin siguro ang taga Metro Manila basta’t sumunod lang sa alituntunin – ang sumunod sa istritong pinaiiral na gobyerno na health protocols.
Maari na rin siguro o welcome na rin ang mga taga NCR dahil sa may biyahe na ang Victory Liner. Oo, inuulit ko po. may biyahe na, Cubao to Baguio vice versa. Araw -araw po ang biyahe. Hindi ito ads ha kung hindi, sinasabi ko lang matapos ko madaan ang terminal nila sa Cubao, Quezon City. Nakalagay na entrada ng terminal ang schedule ng biyahe lamang, may kaonting increase sa pasahe. One way yata kung hindi ako nagkakamali ay P576. Ok na hindi ba? Mura pa rin, kasi ang dati ay P480 yata. Kaonting increase lang.
O ano, akyat na! hehehe. Pero iyong nga lang iba na ang panahon ngayon. Nasa ilalim pa rin tayo ng umiiral ba “batas pandemya”. Kaya, hindi basta-basta ang umakyat o magbakasyon ngayon sa Baguio. marami kailangan “pagdaan” pa.
Hindi ka naman lulusot sa butas ng karayom kung hindi, kailangan sumunod ang lahat sa pinaiiral na batas pandemya – health protocols. Pinakamahalagang requirement sa pag-akyat sa Baguio ay kinakailangang sumailalim sa swab test. He…he…he…kaya, hindi biro ang magbakasyon sa Baguio, may malaking dagdag gastos. Magkano ba ang swab test ngayon? P3,800? P3,500? Wow! Laking budget ang kailangan kapag gusto mong magbakasyon sa Baguio. E kung pamilya kayong magbakasyon sa lungsod. Aba’y hindi biro ang halaga na kailangan. swab test pa lang paakyat at pababa, malaking halaga na ang kailangan. O ano, paiyakan ang magbakasyon sa Baguio ano. Wait na lang tayo kapag talagang okey na ang lahat – iyong bang wala na’ng pandemya. Ipanalangin natin iyan ha.
Buti naman at open na ang Baguio – ibig sabihin buhay na rin ang komersyo sa lungsod. Sabi nga ng kumapare ko mula Baguio, okey naman na daw ang lungsod – may night life na rin. Bukas ang mga bar, resto at ang gustong-gusto ng mga turista – ang “nigth market”. Buhay na nga ang Baguio. Siyempre, mahigpit naman na pinaiiral sa lungsod ang health protocols. Dapat lang!
Gusto niyo bang malaman ang schedule ng biyahe papuntang Baguio sa pamamagitan ng Victory Liner – Cubao to Baguio? Sige, mula Cubao – 7:00 AM; 10:00 AM, at 3:00 PM habang ang pababa mula Baguio to Cubao naman ay 8:00 AM; 1:00 PM, at 5:00 PM. Hirap ng biyahe ngayon ano. At ang biayeh ay point to point ha. Hindi tulad noon na every 30 minutes ay may umaalis na bus. Ano pa man, puwede na’ng umakyat sa Baguio. Ayos! Sumunod lang sa protocols ha!
***
Open na nga ang Baguio…oo, open na open na kasi, open na rin pala ang illegal gambling sa lungsod. Ha! Iyan lang naman kung totoo ang impormasyon. Matindi na may blessing na raw ang awtoridad sa pagbubukas ng sugalan sa lungsod. Sinong awtoridad ang nagpahintulot? City government ba o ang lokal na pulisya? Kayo na ang bahalang mag-isip kung sino ang nagbigay basbas. Hindi naman magbukasan ang sugalan sa lungsod kung walang nagbigay basbas na may koneksyon sa taas.
Bukas na bukas na ang operasyon ng perya-gal sa Otek St., Baguio City. Perya-gal? So, ang ibig sabihin ay nilalabag ng mga ito ang social distancing bukod sa batas. malamang na nilalabag ang social distancing dahil nagkukumpolan ang mga mananayan May talong linggo nang tumatakbo ang sugalan sa Otek pero tila’y nagbubulag-bulagan ang mga awtoridad ng lungsod. Sayang din kasi ang lingguhan intel kaya, pikit mata na lamang ang awtoridad sa lungsod.
Alam kaya ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na tatlong linggo na ang ilegal na perya-gal sa may Otek? Mayor, mayor, pakisilip po ito …at baka ito pa ang magiging sanhi ng pagtaas ng bilang ng magpositibo sa COVID 19 sa lungsod.