Advertisers

Advertisers

TB12’s favorite time of the year

0 190

Advertisers

Playoffs na sa National Football League and for a record 13th straight time ay maglalaro sa post-season ang greatest quarterback of all-time na si Tom Brady.

After spending 20 years at winning six Super Bowl titles with the New England Patriots ay lumipat si Brady sa Tampa Bay Buccaneers na matagal nang hindi nakakasampa sa playoffs. Masasabi nating huge success ang unang season ni Brady with his new team dahil pinangunahan niya ito sa 11-5 record para makapasok sa playoffs.

The last time na hindi nakapasok si Brady sa playoffs ay noong 2008 kung saan na-injure siya sa unang quarter pa lang ng unang laro nila that season.



So essentially ay hindi pa talaga naka-miss ng playoffs si Brady as a full-time starter sa NFL.

At the ripe age of 43 ay si Brady ang naging oldest quarterback with nakagawa ng touchdown pass sa isang playoff game, dishing out two touchdowns sa 31-23 panalo nila against Washington Foot Ball Team, formerly known as Washington Redskins. Nasa proseso ng pagpapalit ng pangalan ang nasabing koponan dahil medyo racist daw ang tunog ng kanilang team name.

Si Brady ang may hawak ng halos lahat ng mga significant quarterback records sa playoffs dahil sa unprecedented success nito with the Patriots. Siyam na beses niyang dinala sa Super Bowl ang Patriots at pinangunahan niya ito sa 17 division titles.

When it comes to winning, Brady is second to none. Kaya naman kumpiyansa ang Buccaneers na malayo ang mararating nila this season kahit na bago lang sa kanila si Brady at walang masyadong practice with the team before the season started dahil sa pandemic.

Na-break ni Brady ang franchise record ng Tampa for touchdown passes with 40 TDs sa regular season, shattering all expectations para sa isang 43-anyos na quarterback na supposedly ay nasa takipsilim na ng kanyang career.



No question na impresibo ang mga numero ni Brady sa regular season, pero alam ng lahat na mas umaangat pa ang laro ni Brady sa playoffs. This is his favorite time of the year.

Good luck na lang sa kanilang makakalaban.