Advertisers

Advertisers

START ‘EM YOUNG SA WRESTLING AT MARTIAL ARTS – AGUILAR

0 198

Advertisers

SA larangan ng martial arts at ibang combat sports partikular sa pinamumunuang sport, mariing tinuran ni Wrestling Association of the Philippines president Alvin Aguilar ang kahalagahan ng maagang natutunan ang larangan ng mga potensiyal na kabataan.
“Start ‘em young para ma-achieve ang kanilang goal.But of course todo ang pag-iingat, may precautionary measures at angkop na alituntunin sa mga bata.Ganiyan din sila sa ibang international sports associations,” wika ni Aguilar na siya ring founder at pinuno ng Universal Reality Combat Championship (URCC).
Tunay na madalang lang sa contact sports na may napapahamak o may nalalagay sa malubhang kondisyon ang isang batang atleta sa panahon ng mga trainings at kompetisyon.
Ayon pa kay Aguilar hinggil sa House bill 1506 na sa ikalawang pagkakataon ay binuhay muli ang panukalang batas kamakailan na pagbabawal sa mga kabataang makalahok sa mga martial arts competitions. Dahil umano nalalagay sa alanganin ang mga menor de edad na atleta sa naturang sports.
“May isolated case, that’s why they pushed up the bill. Konti ang fatality sa contact sports, kumpara sa ibang larangan. The bill should be enacted differently. Dapat sa NSA regulatory powers at mas palakasin ang rules and regulations pagdating sa tamang expertise at kahusayan ng medical staff sa NSA’s.
Pagdating naman aniya sa aktuwal na laban, tanging ang mga eksperto sa NSA’s ang nakakaalam kung paano magiging ligtas ang bata sa kompeti- syon.
“Example sa wrestling, we still learn on new techniques. One hour seminar sa DepEd, then, nagtuturo na sila after one hour. Sa mga ganyan kaya nagkakaroon ng aksidente. We are the ones who are certified .Tipong mga hindi ganun ka-ekspertong coaches at medical staff o iba pang mga tauhan ang umaalalay sa atleta at iyon ang mga dapat na ayusin.
Pagpapalakas din sa tamang officiating ang nararapat pagtuunan ng pansin ayon pa kay Aguilar na dating jiujitsu international titlist.
Maganda naman aniya ang hangarin ng awtor na mambabatas, subalit hinihiling niya na mas maraming iba pang mga bagay na dapat ayusin at bigyang pansin upang mas mapalakas pa ang combat sports sa bansa.
Samantala , hiniling naman ni Aguilar sa IATF na bigyan na ng green light ang kanilang sport ngayong kaagahan ng 2021 upang maka-move on na sa paghahanda sa international competitions with observance of health protocol.(Danny Simon)