Advertisers
PINAKAWALAN ng Sta. Lucia Lady Realtors ang apat na players sa kanilang bakuran.
Sa social media post nitong Lunes, pinakawalan ng team sina Royse Tubino, Regine Arocha, Aie Gannaban at Marist Layug bilang free agency sa Philippine Superliga.
“Your time as Lady Realtors was short but memorable to the Sta. Lucia family for sure. Thank you, Royse, Regine, Marist and Aie!” nakasad sa post.
“We wish you the best in whatever is next. May you find GREENER pastures that will lead you to more GOLDEN moments.”
Ang apat ay lumagda nitong nakaraang season bago ang pandemic.
Si Tubino na opposite hitter ay dinala ang Lady Realtors sa runner-up finish sa 2020 PSL Super Cup, habang si Arocha ay two-time Finals Most Valuable player sa three-time NCAA champion Arellano Univesity.
Ang dating Arellano Lady Chiefs ay pumirma sa Sta. Lucia noong June nakaraang taon kasama si Layug.
Samantala, si Gannaban, ay middle blocker sa University of the Philippines at sumali sa team bago magsimula ang 2020 season.