Advertisers
LAGUNA – Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang magsasaka matapos barilin sa ari habang natutulog sa Purok 1, Barangay San Cristobal, San Pablo City.
Ayon kay Police MSgt. Henrico Gaspar, mayhawak ng kaso, ang biktima ay nakilalang si Reden Velasquez, hiwalay sa asawa, tubong Batangas City at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Cristobal.
Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon sa kaso.
Nabatid na 1:00 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril kay Velasquez habang mahimbing itong natutulog sa kanyang kubo. Kalibre .45 pistola ang ginamit ng salarin.
Hinala ng pulisya, matinding selos ang motibo sa krimen batay narin sa tama ng bala sa ari ng biktima. Nadurog ang ari nito dahilan ng agad nitong kamatayan. (DICK GARAY)