Advertisers

Advertisers

Benhur Abalos Jr. bagong MMDA Chairman

0 293

Advertisers

ITINALAGANG bagong MMDA chairman si dating Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, Jr.

Kinumpirma ito ni Senador Bong Go.

Pinalitan ni Abalos si dating MMDA Chairman Danilo Lim na sumakabilang buhay noong isang Linggo dahil sa COVID-19.



Si Abalos ay una na ring nagpositibo sa COVID-19 gayundin ang kaniyang magulang kung saan ang amang si Benjamin Abalos ay nagsilbing MMDA Chairman mula 2001 hanggang 2002.

Samantala itinalaga rin ng Pangulong Rodrigo Duterte si Mark Lapid bilang Chief Operating Officer ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Nakasaad sa sulat ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa board of directors ng TIEZA na saluhin ni Lapid ang hindi natapos na termino hanggang sa June 30 ni dating CEO Pocholo Paragas na una nag-resign noong November 2020.

Una nang na puwesto si Lapid sa nasabing ahensya na dating Philippine Tourism Authority sa ilalim ng Department of Tourism sa Arroyo at Aquino administration.

2016 nang bumaba sa tungkulin si Lapid para tumakbo sa senatorial elections kung saan siya natalo.



MGA UMUKUPA SA ROOM 2207
TUKOY NA NG NBI

Tukoy na ng NBI ang mga umukupa sa room 2207 ng isang hotel sa Makati City na binalik balikan ng flight attendant na si Christine Dacera bago siya natagpuang patay.

Gayunman hindi muna pinangalanan ng NBI ang mga nag-check in sa nasabing kuwarto na kalapit lang ng room 2009 kung saan naman sinalubong ni Dacera at mga kaibigan nito ang bagong taon.

Sinabi ng NBI na inimbitahan na nila ang mga umukupa sa room 2207 para magbigay ng pahayag kaugnay sa nangyari kay Dacera.

Ibinunyag naman ng pamilya Dacera na isang basketball player ang kasama sa room 2207

Subaybayan!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador@yahoo.com.