Advertisers

Advertisers

Sumuko na ang karamihan

0 532

Advertisers

TATLONG libo (3,000) na kasapi sa teroristang-komunistang samahan ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang nagsisuko na sa kamay ng pamahalaan mula noong Enero hanggang noong Nobyembre ng taong 2020.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief, General Debold Sinas dumadanas na ng malaking kabawasan sa kanilang bilang ang CPP-NPA sa loob lamang ng labing-isang buwan, dahil ang kabuuang bilang ay umabot na sa 3,312. 117 sa bilang na ito ang namatay sa pakikipag-laban sa tropa ng pamahalaan, samantalang 366 ang naaresto at 2,829 ang mga sumuko.

Nito nga raw mismong ika-52 anibersaryo ng teroristang-komunistang samahan (December 26), tatlumpu’t lima pang mandirigma ng CPP-NPA ang nagsisuko rin sa iba’t ibang lugar sa Caraga at Eastern Visayas region.



Kasama ng mga nagsisuko upang talikuran na ang kanilang pagiging kasapi ng teroristang-komunistang samahan ang kanilang mga armas tulad ng sub-machine gun, M14 rifle, labing-isang 12-guage shotguns, at anim na iba pang baril, at sinunog pa ng mga ito ang bandilang sumasagisag sa ideyolohiya ng komunismo at sumumpa rin ng katapatan sa watawat ng Republika ng Pilipinas.

Kasabay nito, dalawang matataas pang opisyal ng CPP-NPA National Democratic Front na wanted sa kasong pag-patay at kidnapping ang nahuli naman sa Quezon province.

Magmula nga daw noong Decber 18 hanggang December 26, iniulat ni Gen. Sinas na anim na miyembro ng CPP-NPA-NDF ang naaresto, 108 ang nagsisuko at 45 na iba’t ibang klase ng armas kasama ang walong pampasabog ang kanilang narekober.

Ito ay dahil sa pina-igting na operasyon ng mga tropa ng pamahalaan sa nilikha at ipinatutupad na Republic Act 11479, ang Anti-Terrorism Act of 2020 at sa pagkilos ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na itinatag ni Pangulo Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Executive Order No. 70.

Di naman agrabiyado ang mga sumuko dahil agad silang isina-ilalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). Ito ay programa para sa lahat ng rebeldeng magbabalik-loob at nais na muling mamuhay ng naaayon sa saligang batas ng Pilipinas.



Kalakip sa E-CLIP ang “pang-kabuhayan package” sabi nga sa mga TV Game Show. Para naman talagang nanalo sa game show ang mga nagsisuko. Mantakin niyo, matapos ang pagsasailalim sa E-CLIP, ay bibigyan ang mga dating rebelde ng kapital na magagamit nila sa pagsisimula ng buhay sa lipunan na dati naman nilang ginagalawan. May mga kagamitan pa nga sa pagsasaka at pagtatanim, o kaya naman ay bangka para sa pamamalakaya.

Saan ka pa? Wala ka ng kasong haharapin dahil sa iyong boluntaryong pagsuko, bibigyan ka pa ng panibagong simula sa panibago mong buhay at pagbabalik sa tamang lipunang dapat mong ginagalawan.

Meron ka bang mapapalang ganyan? Kung mananatili ka sa pagiging teroristang-komunista? Eh buti kung sa labanan ay napatay ka at narekober ng tropa ng pamahalaan ang iyong bangkay, pihadong malalaman pa ng iyong mga pamilya at mabibigyan kanng tamang libing.

Ang alam ko kasi yun sinasabi ng Pangulo. Na sa pagkakasapi mo sa komunistang-teroristang samahan, kapag napaslang ka, maging ng kapwa mo rebelde, ibabaon ka na lang kung saan. Mabuti kung makita pa ang iyong labi.

Mag-isip isip na mga kababayan kong naligaw ng landas. Walang mangyayari sa inyo sa pagiging CPP-NPA-NDF, wala kayong ibang patutunguhan kung di kamatayan at pagkatalo. Paano? Kasi konti na lang kayo, karamihan ay nagsisuko na.