Advertisers

Advertisers

Panawagan sa SMart ni Yorme Isko: Drug pushers sa Brgy 81 at 82, Tondo

0 334

Advertisers

MAGANDANG umaga po. Report ko po ito mga drug pusher dito po sa Baltazar st., sa Brgy. 81 at 82 po. Sobra na talamak po ang bentahan ng shabu po. Maraming bata na po ang nahuhumaling sa droga. Kahit ano oras sila nagbebenta. Sana mahuli na ito mga pusher na ito. Ang mga pangalan po nila ay kilala na ng chairman po ng Brgy. 81 at 82 pero di nila mahuli. Bakit po kaya? Kailangan lumapit na kami kay Pangulo Duterte para padala na po DDS at patahimikin na ito mga pusher na ito na sina Reiner Payat, Tuko, Boyet Bulag, at isang Dolor po. Lahat yan perwisyo na sa aming Barangay. Kilala ng aming Chairman ang mga yan. Subalit hanggang ngayon wala parin aksyon. Pati po ang PCP Pritil Station 1 wala rin po magawa. Sana po makarating ito sa SMaRT ni Yorme para mahuli o patahimikin na po ito mga pusher dito. Masyado na po silang perwisyo. Salamat po sa inyo! – Concerned citizen

Hinaing sa pension ng retired PNP
Maganda hapon po, Sir/Madam. Kami po mga retired PNP ay humihingi po ng inyo tulong para maiparating po kay Pangulo Duterte at Chief PNP ang ginagawa sa amin ng Police PRBS sa Crame. Marami na po sa amin ang me saklay at naka-wheelchair na ang ‘di nakakuha ng aming pension na kakarampot nalang para pangbili ng aming gamot at pamasko sana ng aming mga “APO”. Subalit kami po ay ‘di nakakuha dahil kailangan daw po namin mag-update ng aming status kung buhay o patay na kami at kailangan magpalista at kumuha ka sa Police Station na sakop ka kahit nakasaklay at wheelchair ka na. Tapos punta ka Crame sa PRBS para submit mo yon at ang iyong pension na dapat ‘di nila pakialam ‘di nila ito pa-release agad, sa January na raw. Paano po yon mga kasama namin na kailangan ng gamot? At isa pa yon me pamilya na kailangan pangbayad sa bahay at mag-pasko pa wala sila magagamit pambili pagkain. Sana naman po 3 to 5 days release na nila pension para magamit po, Mahal na Pangulo Duterte, at Chief PNP Sinas. Maawa na po kayo sa aming mga ret. PNP. Umaasa po kami na makuha na po namin ang aming pension Salamat po. – RET. PNP