Advertisers
PARA magtuloy-tuloy ang adbokasiya ng Go Bike Project, binigyan ni Senator Christopher “Bong” Go ng mga bisikleta at iba pang porma ng ayuda ang nasa 250 youth community responders sa Bugallon, Pangasinan.
Itinatag noong March 16, 2019, ang Go Bike Project ay isang voluntary youth-led organization na nagti-training ng mga kabataan para maging community responders sa harap ng krisis.
Gumagamit sila ng bisikleta sa pagresponde, lalo sa mga health emergencies at natural disasters.
Nilinaw na ang Go Bike Project ay hindi konektado kay Sen. Go.
Ang mga bisikleta na ipinamigay sa mga piling benepisyaryo ay gagamitin sa paghahatid ng basic healthcare services, kagaya ng blood pressure monitoring, first aiding at blood sugar testing sa bisinidad ng Bugallon.
Nabatid na sa panahon ng community quarantine para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, ang Go Bike Project ay naglunsad ng Ronda Kalusugan Program para magabayan at ma-monitor ang kalusugan ng nakatatanda, mga buntis at mga may sakit na residente sa Bugallon.
Sa pamamagitan nito, hindi na sila kinakailangang lumabas ng bahay para makaiwas sa exposure ng virus.
Nagbabahagi rin ng relief goods sa locals ang Go Bike Project.
Ang mga kasapi ng Go Bike ay sinanay ng Philippine Red Cross – Dagupan City Chapter at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Bugallon.
Sa kanyang speech, umaasa si Sen. Go na ang mga ibinigay niyang mga bisikleta ay magsilbing malaking tulong sa youth volunteers.
“Masaya po ako na ibahagi sa ating mga Go Bikers ang mga bisikletang ito mula sa aking opisina. Hangad ko pong makatulong sa inyong inisyatibong maghatid ng healthcare services sa ating mga kababayang nasa gitna ng pandemya,” ani Go.
“Bilang mga youth community responders, sana po ay ipagpatuloy ninyo ang magandang programa na nasimulan na dahil napakalaki po ng tulong na naibigay ninyo sa inyong komunidad. Hangad ko rin pong magamit ninyo ang bisikletang ito para mas marami pa kayong matulungan,” sabi pa ng senador.
“Kung ano pa pong pwede kong maitulong sa inyo, huwag po kayong mag-atubiling lumapit sa amin ni Pangulong Duterte dahil trabaho namin ang magserbisyo sa inyo,” ani pa ni Go. (PFT Team)