Advertisers
NANGUNA si Manila Mayor Isko Moreno bilang Presidente at muli bilang Bise Presidente sa isang survey na ginawa kaugnay ng darating na national elections sa 2022.
Ang nasabing survey na may kategoryang Top Choice at Top of Mind at sumasakop sa petsang December 6 hanggang 14 ay isinagawa ng iOptions Ventures Corp. Mayroon din silang 250 local at nationwide surveys simula pa noong 2004. Ang iOptions ay nagbibigay ng pangunahing pananaw at istratehiya sa parehong local at national landscape at nagsasagawa ng mga surveys na may kahalagahan sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
Nakuha ni Moreno ang unang posisyon sa Top of Mind category sa pagka-Pangulo para sa 2022 at ayon sa survey company, kahit pa ang pinili ng mas nakararaming respondents ay si President Rodrigo Duterte bilang kanilang top of mind choice ay hindi siya kinukunsidera bilang top of mind choice dahil hindi na ito maaaring tumakbo pa bilang pangulo gaya ng sinasaad sa 1987 Constitution.
Si Moreno din ang number one choice bilang President (With Choice.)
at bilang Vice President sa 2022 (With Choice). Pumangalawa naman si Moreno sa top of mind category.
Ayon sa website ng kumpanya, ang mga respondents ay tinanong kung sino ang kanilang napipisil na Presidente at Bise Presidente sa paparating na presidential election sa 2022. Sila ay tinanong ng mga pangalang kanilang napipisil para sa bawat posisyon (Top Mind) ang mga pangalan na lumabas ay prinoseso at nilinis ng mga researchers kung paano ang mga pangalan ng iba’t-ibang pulitikong napili sa pagka-presidente at bise presidente ay isinulat.
Ito ay sinundan ng mga tanong at sa pagkakataong ito ay binigyan na sila ng hiwalay na listahan na pagpipilian bilang Presidente at Bise Presidente (With Choices). Naglagay din ang mga researchers ng listahan ng mga posibleng tatakbo sa 2022 national election kung saan ang ‘With Choices’ na tanong ay base sa eligibility at kasalukuyang sitwasyong pulitikal.
Ang listahan ay pinaghalong pangalan ng mga kasalukuyan at dating national, local politicians at business leaders. May ibang mga pangalan na naulit sa ‘With Choices’ questions para sa President, Vice President at Senate choices dahil wala pa naman sa mga personalidad na ito ang hayagang nagdeklara ng intensyon na tumakbo sa mataas na elective positions.
Tinanong din ang mga respondents sa lahat ng parte ng bansa tungkol sa paparating na Kapaskuhan, kung ano ang kanilang kalagayang pang-ekonomiya sa kasalukuyan, kung ano ang kanilang pananaw sa kasalukuyang sitwasyong pulitikal ng bansa, kung ano ang tingin nila sa ginagawang pamamahala ng gobyerno at mga tanong pa na may kinalaman sa COVID-19.
Sa bahagi ni Moreno, sinabi nito labis niyang ikinatutuwa ang tiwala at kumpiyansa sa kanya ng mga tao, pero nanatiling nakatuon kanyang isipan sa Maynila at ang kung paano maibabalil sa normal ang buhay, kapag dumatint na ang bakuna kontra COVID-19.
Muli at sa panibagong pagkakataon ay iginiit ni Moreno na wala siyang intered na tumakbo sa kahit na anong national position. Sa 2022 ay matatapos na ni Moreno ang kanyang unang termino bilang alkalde ng Maynila at may dalawang termino pa siyang natitira. (ANDI GARCIA)