Advertisers
Ni JOE CEZAR
TULO-laway ang ilang showbiz press sa sex appeal ng isa sa main cast ng “Anak ng Macho Dancer” na si Mhack Morales.
Lalo pang humanga ang mga kapatid sa kanyang kahubdan sa isang sexy dance number na walang keber niyang ibinuyangyang sa Simon’s Supreme Resto Bar along Tomas Morato cor. Kamuning Road, QC noong Biyernes, Enero 8, 2021.
Ang baguhang actor ay nagkaron ng iba’t ibang trabaho para matulungan ang kanyang mga magulang ganun din ang sariling pag-aaral para makaahon sa hirap. Hanggang sa nakapagtapos nga siya ng pag-aaral.
Nang makausap ko si Mhack sa nasabing event, aniya, hindi lang sa pagku-clown kundi nagbasura rin daw siya habang nag-aaral.
Ngayon isa nang guro si Mhach at mapapanood ng kanyang mga estudyante at kapwa guro ang una niyang movie, “Anak ng Macho Dancer.”! Para kay Mhach, trabaho lang daw at walang personalan!
Ang pangarap niyang mag-artista ay natupad din sa tulong ng mabait na prodyuser na si Joed Serrano ng Godfather Productions.
Sa “Anak ng Macho Dancer,” kasama rin sina Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo at Alan Paule. Nariyan din sina Ricky Gumera, Charles Nathan, Eisel Serrano, Miko Pasamonte at Sean de Guzman.
Ang “Anak ng Macho Dancer” ay kauna-unahang handog ng Godfather Productions at sa direkyon ni Joel Lamangan. Mapapanood na ngayong Enero 2021!