Advertisers

Advertisers

Richard pinarunggitan ang Dos; Cherrie Pie napagkamalang dyowa ang anak

0 212

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAG-post si Cherry Pie Picache ng picture niya na kuha sa isang beach sa Boracay. Kasama niya rito ang isang gwapong binata. Ang caption dito ni Cherrie ay “Love building memories with this man.”

Nang makita ‘yun ng isang netizen ay tinawag niyang cougar ang beteranang aktres. Sabi nito, “You “cougar” you! Good for you. Enjoy life to the fullest.”



Nag-reak naman si Cherrie Pie sa comment ng netizen. Sabi niya, “He’s my son and the only man in my life.” Agad namang humingi ng dispensa ang netizen kay Cherrie Pie.

Sabi nito,”I am very sorry for my wrong interpretation. Sorry again! May God continue to bless you both with endless love and togetherness. I have been your fan forever due to your beauty and spirituality.”

***

MAGKAKILALA kami nang personal ni Richard Yap. And in fairness, approachable siya, huh! Kaya as much as possible, ayokong magsalita ng against him.

Pero para sa akin, mali ang sinabi niya sa isang interview niya na roon na lang siya sa mas stable na network, sa GMA 7 kaya lumipat siya rito.



Parang sinampal niya tuloy ang ABS-CBN. Parang pinalalabas niya kasi na stable ang Siyete na hindi mangyayaring magsara, unlike ang dati niyang network,which is ABS-CBN na hindi stable kaya nagsara.

Hindi ko talaga nagustuhan ang sinabing ito ni Richard. Sana, gaya ng iba na lumipat sa Siyete, ay hindi rin siya nagsalita ng laban sa Dos.

Let’s face it, sumikat siya dahil sa nasabing kumpanya. Ang ABS-CBN ang gumawa sa kanya dahil ginawa siyang bida, sila ni Jodi Sta. Maria sa Be Careful with My Heart. Dahil nga sa defunct series na ito kaya siya sumikat at ang character niya bilang si Sir Chief.

Siguradong kapag nakarating sa Dos ang sinabi niya ay masasaktan niya ito.