Advertisers
HALOS lahat ng mamamayan ay naghahangad ng mapayapang pamumuhay at umaasa ng proteksiyon mula sa mga mambabatas laban sa anumang karahasan.., subalit tila napalautan ng UTAK-KOMUNISTA ang KONGRESO sa personalidad ni BAYAN MUNA REPRESENTATIVE CARLOS ISAGANI ZARATE.
Tulad ng NEW PEOPLES ARMY (NPA) ay kahalintulad nito si ZARATE na inaatake ang mga hindi nagbibigay ng REVOLUTIONARY TAX at ang mga nakokolektahan ay ito ang kanilang hinahayaang mamuhay o makapagnegosyo ng payapa.
Pinapaniwala ang mga tao na pinoprotektahan nila ang interes ng nakararami; subalit, ang hindi napapansin ay ang mga prinsipyo ni ZARATE at ng nirerepresenta niyang BAYAN MUNA na may katapat na bayad o tila ipinagbibili ang bawat serbisyong kanilang gagampanan.., na isa sa patunay ay nang piliin ni ZARATE ang bomoto para ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
Matatandaang kinutya at hiniritan ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE kamakailan si ZARATE sa pagboto upang i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN para protektahan ang isa sa kanyang mga gatasan.
“Alam mo, sasabihin ko, nangangailangan ka ng pera. That’s the only reason. Komunista ka to defend an oligarch. Di ka naman summa cum laude, pareho naman tayong pumasa ng Bar. Kung magsalita ka, you make it appear that we are milking the government,” patutsada noon ni PRES. DUTERTE.
Ang siste, sa paniniwala ni ZARATE ay mayroon pa silang kredibilidad gayong patuloy nilang nililinlang ang publiko. Tulad sa mga kapanalig nilang puwersa na NPA ay patuloy na inaatake ng naturang mambabatas ang kanilang mga kalaban sa pamamagitan ng mapanlinlang na impormasyong ipinaaabot sa publiko.
Sa kabila ng kanilang mga prinsipyong ipinagbibili, naloloko pa rin nila ang ilan sa pamamagitan ng pag-isyu ng mga statement na walang basehan laban sa mga kumpanya tulad ng MERALCO. .., na patuloy na kinukuwestiyon ang isang supplier ng MERALCO gayong hindi naman nila pinupuna ang isang supplier na sister company ng ABS-CBN.
Bukod sa mga isyung ito, nanatili rin silang tahimik hinggil sa FIT-All, habang pilit na inihahambing ang COMPETITIVE SELECTION PROCESS (CSP) ng MERALCO sa isang sarzuela.
Bakit hindi man lang yata nila kinuwestyon kung paano naging karapat-dapat ang mga LOPEZ na makopo ang FIT? Ang FIT ay hindi napagpasyahan sa pamamagitan ng isang bidding na tulad ng CSP.., kaya paano masasabing ang isang kumpanya ay karapat-dapat na mangolekta ng FIT?
Inaprubahan kamakailan ng ENERGY REGULATORY COMMISSION (ERC) ang petisyon ng NATIONAL TRANSMISSION CORPORATION (TRANSCO) para sa pag-apruba ng FEED IN TARIFF ALLOWANCE (FIT-ALL). Sa Desisyon nito, pinahintulutan ng ERC ang TRANSCO na mangolekta ng isang FIT-ALL na katumbas ng P0.0983 kada kilowatt-hour (kWh) na epektibo sa susunod na ikot ng pagsingil.
Kaya naman kaduda-duda ang kanilang pananahimik laban sa FIT, ito ba ay dahil isa sa kanilang mga corporate sponsor ay makikinabang sa nasabing taripa? Taliwas sa mga isyung paulit ulit nilang binabato laban sa MERALCO at CSP nito, ang panibago at mataas na FIT ay ikakarga sa lahat ng konsyumer simula ngayong buwan.., susmalosep pinahirapan na naman ang bulsa ng mga naghihirap na sambayanan!
Nakikita na nga ang layunin ni ZARATE at ng BAYAN MUNA.., bakit hinahayaan ng KONGRESO ang gayong panloloko o panlilinlang sa sambayanan?
Ang mga katulad nila ang pilit na ginagamit ang KAMARA upang maprotektahan sila sa pag-uusig at maipagpatuloy ang mga panlilinlang tulad ng mga bulaang propeta.., upang hilahin ang mga Pilipino tungo sa kahirapan sa halip na pagbutihin ang kanilang buhay!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.