Advertisers

Advertisers

MANILA, PORMAL NG NAKAKUHA NG ANTI-COVID 19 VACCINE – ISKO

0 313

Advertisers

OPISYAL na. Ang pamahalaang lungsod ng Maynila ay pormal ng nakakuha ng anti-COVID 19 vaccines para sa 400,000 nitong mga residente at nakapag-order na rin ng 12 refrigeration system units para sa vaccine storage.

Sa kanyang talumpati sa regular na flag raising ceremony noong Lunes, inanunsyo ni Moreno na nilagdaan na niya ang mga papeles na iniharap sa kanya ni has city general services office (CGSO) chief Thelma Perez para sa pagbili ng hindi lamang ng freezer units kundi maging ng 50 units ng transport cooler kung saan ilalagay ang vaccines habang binabyahe upang mapangalagaan ang ang bisa nito.

Sinabi ni Perez na ang halaga ng freezers at transport coolers ay nasa P8 million at maaari ding gamitin ng anim na city-run hospitals kahit mawala na ang COVID.



Sinabi rin ng alkalde na ang lungsod ay nagtatayo na ng “Manila COVID-19 Storage Facility” sa Sta. Ana Hospital na pinamumunuan ng director na si Dr. Grace Padilla upang magsilbing lagakan ng the COVID vaccines kung saan mapapangalagaan ang integridad nito. Dito rin sa nasabing ospital matatagpuan ang Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) na nasa ilalim din ng pangangasiwa ni Padilla.

Ayon kay Moreno, nakapagsara na siya ng kasunduan sa estabilisadong sa pharamaceutical companies “and we will continue to acquire other possible effective, safe and efficient vaccines for the people of Manila and aakapin din natin lahat ng di taga-Maynila kapag dumadapo sila sa Maynila.”

“This (COVID-19) is a universal problem that must be approached inclusively,” ayon sa alkalde na idinagdag din na sa loob ng 10 buwan ang lokal na pamahalaan at sa inisyatibo rin ni Vice Mayor Honey Lacuna, ay nagbibigay ng libreng COVID testing sa parehing taga-Maynila at hindi taga-Maynila.

“We will do the same. Kaawaan tayo ng Diyos…aakapin natin ang iba pag me pangamba sila.. Alay ko din sa inyo ang first pre-registration for a slot in the vaccination dahil nakita natin ang hangad ng tao. With the help of President Rodrigo Duterte, IATF and vaccine czar Sec.(Carlito) Galvez (Jr.) and Health Secretary (Francisco) Duque working hand-in-hand with the city government, we will pursue our plans,” sabi pa ni Moreno.

“While waiting and hopeful for the vaccine, hanggang wala, maging responsible individuals tayo sa lahat ng ating ikinikilos. Mas matalino kayo sa virus. Our government may not be perfect, but we will not stop. ‘Wag ninyong sayangin ang ten months na sakripisyo. Always observe health protocols,” dagdag ni Moreno. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">