Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA pagpasok ng Bagong Taon, nawindang agad ang Viva artist na si Xian Lim.
Hindi kasi siya makapaniwala na magiging biktima siya ng panloloob ng mga kawatan.
Ang pagnanakaw ay nangyari noong Enero 6 at ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.
“The other day, I came home and witnessed a nightmare. I saw that a couple windows were shattered, metal grills hammered and filled down. Pag bukas ko ng pintuan, they left a piece of cloth in the front door (I guess to let me know that the place was robbed prior to entering? I’m not really sure).
I looked around and saw that all the TVs and computer are gone. They also left two planks with nails sticking out. (I’m assuming that this is what they used to break the windows and the locks in the door…could also be used as a weapon? I dont have answers…),” ani Xian.
Ayon pa kay Xian, nanghihinayang siya sa mga gamit tulad ng computers at TVs na tinangay ng mga magnanakaw.
Dagdag pa niya, naipa-blotter na raw niya sa pulis ang nangyari sa kanilang bahay.
Ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi siya aktibo sa social media lately dahil pina-process pa niya ang lahat ng nangyari.
Gayunpaman, nagpapasalamat siya dahil wala raw namang nasaktan na miyembro ng kanyang pamilya sa naturang insidente.
Sa Boracay nagdiwang ng Pasko si Xian kasama ang girlfriend nitong si Kim Chiu at ang pamilya nito.