Advertisers

Advertisers

Sen. Bong todo-deny na rason sa paglayas ni Janine sa GMA7

0 282

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAGSALITA na nga ang actor-politician na si Sen. Bong Revilla sa mga sitsit na siya raw ang dahilan ng hindi pag-renew ng kontrata ni Janine Gutierrez sa home studio nito, ang GMA-7.

Sa pagbabalik-telebisyon ni Bong this 2021 para sa Agimat Ng Agila sa Siyete ay napa-comment ng ‘OMG’ si Janine.



Ang dating naman sa netizens ay tila pinersonal si Janine dahil sa komento nito sa socmed na tila mas pinaboran ng GMA-7 si Bong.

Pinabulaanan naman ni Bong na wala siyang kinalaman sa hindi pag-renew ng kontrata ni Janine sa Kapuso.

Wala nga raw siyang kinalaman dito at if ever daw na magkaroon ng pagkakataon na magsama sila sa project ni Janine ay wala naman daw problema.

Kahit daw ang mga lolo nito na sina Boyet de Leon at Eddie Gutierrez pati nanay na si Lotlot de Leon ay kinausap na ni Bong at itinanggi ang paratang ng followers ni Janine.

Wala raw katotohanan ang mga nagkalat na tsika na si Bong ang rason ng pag-alis ni Janine sa GMA.



May pahayag naman si Bong na respeto raw sana sa mga nakatatanda na sa industry na tila patama sa mga bata pa na kinukwestyon ang kanyang pagbabalik-showbiz.

***

Daming Best Actor trophies na nasungkit…

Jek Jumawan humakot ng awards sa lokal at abroad

HINDI raw matatawaran ang galing ng Pinoy at isa na nga rito ang Filipino teacher sa Senior High School sa Lagro at ang Actor-Filmmaker na si Geraldo B. Jumawan aka Jek Jumawan na gumawa ng pangalan sa local at international film industry.

Kaya naman ang showbiz industry at netizens ay proud sa mga naiuwing karangalan ni Jek.

Kung achievements ang pag-uusapan ay talaga namang humataw ang actor- filmmaker na si Jek.

Nung Oct. 15, 2019 ay nakuha ni Jek ang pagiging Best Actor sa Urduja Film Festival sa Lingayen, Pangasinan, 2019 Indie Film Chart U.K, 2018 July Best Actor Honorable Mention for ‘Sulyap’ in Oniros Film Awards (Aosta, Italy), parehong taon nasungkit nito ang pinakamahusay na aktor para sa Short Film na ‘Sulyap’ sa Urduja Film Fest sa Pangasinan.

Year 2017 Dec. Honorable Mention for Indie Actor  for ‘Nothing Beats Oldies’ in Top Short Film Fest (New York) Best Actor 2014 Makata Film Fest QC, si Jek pa rin ang itinanghal na Best Actor Melody-1st Inding-Indie Film Fest mula sa National Press Club.

Kahit as Audience at Choice Awards March, 2014 napisil pa ding Best Actor si Jek sa ‘Luha Ng Kahapon’ sa Cine Haraya Film Fest, 2012 ay na-recognize si Jek as Filmmaker as Finalist Director, ‘Crazy Man’ Aarau One Minute Film Fest Switzerland, same year ‘Crazy Man’ at Croatian One Minute Film at 2012 si Jek ay tinanghal din na Best Actor for a Short Film ‘Hulagway’ Pambujan Short Film Fest., 2011 Northern Samar Audience/ Choice Award Best Director for Short Film ‘Lesson Plan’ Pandayang Lino Brocka Film Fest. 2012 Best Picture Award Producer/Actor Short Film ‘The Hand That Saved’ UP Tacloban City in 2011 competition, the producer/actor  Short Film ‘The Hand That Saved’ Patras Film Fest Greece.

Pinoy Pride naman ang angking galing ni Jek na talagang umukit ng kasaysayan sa larangan ng sining at hakot awarda lang peg.  Congrats at keep up the good work, Jek!