Matagal kasi nabakante sa akting… Carla nahirapan umiyak sa eksena sa serye; Gabby binisto, yummy si Sanya
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MAGKAHALONG saya at pag-aalala ang naramdaman ni Carla Abellana nang magsimula na silang magbalik-taping sa “Love of My Life” kasama sina Coney Reyes, Mikael Daez, Rhian Ramos at Tom Rodriguez.
Masaya siya dahil super na-miss na raw ni Carla ang magtrabaho pero sa kabila nito labis naman siyang nag-aalala kung mabibigyan niya ng justice ang muli niyang pag-arte sa harap ng kamera.
Bukod kasi sa nahinto ang galawan sa showbiz ng ilang buwan, nagkaroon din ng health issue si Carla. Hindi ganun kadali para sa aktres na magpagamot nung quarantine ang bansa.
Naging maselan kasi ang kanyang katayuan at madali siyang mahahawaan ng virus noong mga panahon na yun.
“We all thought the show has been shelved for good. So when we were notified that we’d do lock in taping, siempre, natuwa kaming lahat na hindi pala cancelled ang show.
“Ang tagal din naming hindi humarap sa kamera so somehow, nakakakaba. May scene na kailangan kong umiyak sa isang mata lang. Before, it was so easy for me to do, pero ayun, hindi ako makaiyak. Nakakapanibago,” ani Carla.
***
NALALAPIT na ang pag-ere ng bagong teleserye ng Siyete na “First Yaya” sa primetime at marami na rin naman natapos gawin na episodes sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
At dahil nagkita at nagkatrabaho na ang dalawa ano naman kaya ang first impression nila sa isa’t isa?
“Na-discover ko na mabilis mag-adjust si Kuya Gabby. Magaling siya kung paano makisama. Of course, Mr. Gabby Concepcion na yan, eh, ang akala ko sa kanya talagang, of course, veteran, so parang hindi niya agad ako mapapansin pero sobrang bait,” say ng Kapuso young actress. Siyempre may komento rin si Gabo para sa bago niyang leading lady sa “First Yaya”.
“Masarap siyang katrabaho kasi professional tsaka she deserves ‘yung 2.8 to 2.9 million followers niya talaga sa Instagram. Maraming followers ito, talagang mahal na mahal siya,” saad naman ni Gabby.