Advertisers

Advertisers

Dingdong Dantes unang pasabog ngayong 2021 ni Rhea Tan

0 574

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

PATULOY sa pag-level-up at pagpapalaganap ng good vibes ngayong 2021 ang Beautéderm Corporation sa pormal na pagsalubong kay Dingdong Dantes sa mga A-List endorser nito as brand ambassador ng Beautéderm Cristaux Supreme.

Lalong naging bigatin ang listahan ng endorsers ng Beautéderm sa pagpasok ni Dingdong. Wala pang two months ang nakalipas ay inanunsiyo si Bea Alonzo bilang opisyal na endorser ng pinakabagong produkto ng Beautederm, ang Etre Clair Refreshing Mouth Spray.



Sina Ms. Sylvia Sanchez, Marian Rivera, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Korina Sanchez, Piolo Pascual, Christopher de Leon, at Bea ay ilan lang sa big stars na bahagi ng pamilya ng Beautederm.

Ang Cristaux Supreme ay isang FDA-notified product na dinadagdagan ang collagen synthesis na bumabanat at nagmo-moisturize ng balat; nagpapaputi ng balat; minimizes skin puffiness; alleviates eyebags; provides glass skin; at nagde-defy sa pagtanda.

Mainam ito sa mga edad 18 pataas at ligtas para sa mga lactating mothers. Ang produkto ay meticulously formulated at sinadya at maingat na ginawa upang maging ligtas sa lahat ng skin types at pinakamainam itong gamitin dalawang beses sa isang araw at  bilang primer sa make-up.

“Kailangan din naming mga lalaki na alagaan ang aming balat. Beautéderm Cristaux Supreme is an essential part of my daily skin regimen at bilang isang aktor, araw-araw ko itong ginagamit to maintain the youthfulness of my skin. Cristaux Supreme is really age defying,” saad ng award-winning actor.

Ipinaliwanag naman ng Beautéderm President at CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ang mga wondrous effects ng Cristaux Supreme, “Dalawang taon na worth of wrinkles ang binubura ng Cristaux Supreme in just two months of regular use.



“Very hardworking si Dingdong at ang mahahabang oras na ginugugol niya sa set sa pelikula at TV will really give his face unwanted lines and wrinkles, at ang Cristaux Supreme ang pinaka-ideal na serum para sa kanyang lifestyle.”

Dagdag naman ni Dingdong, “I’m very much aware of the long-term effects of my work to my skin lalo na ngayong 40 na ako. I encourage every man to use an effective skin regimen like Beautéderm’s Cristaux Supreme as it will surely keep us looking fresh and youthful.”

Espesyal na taon ang 2021 para sa Beautéderm dahil minamarkahan nito ang 12th anniversary ng kompanya at ang launch ni Dingdong bilang brand ambassador ay una pa lamang sa maraming sorporesa na inihanda ni Ms. Rhea para sa bagong taon.

“Maligaya ako ngayong bahagi na si Dingdong ng aming Beautéderm family. Nandito na ang araw that we can proudly say that Dingdong Dantes is officially a Beautéderm Cristaux Supreme brand ambassador,” sabi ng very ecstatic na si Rhea.

Maligaya rin si Dingdong ngayong bahagi na siya ng kompanya na ang asawang si Marian ang mukha ng Beautéderm Home ay nag-o-offer naman ng exquisite line of soy candles at room and linen sprays.

“Nakikita at nararamdaman ko na kung bakit ang saya-saya ni Marian. Beautéderm really is a happy and fun family. Maliban sa aking asawa, a lot of my friends are part of the brand as ambassadors. Excited ako sa lahat ng mga promotional activities na gagawin namin ngayong 2021. I am so grateful and honored that Rhea got me to be a part of Beautéderm Cristaux Supreme and this for sure, will be an unforgettable partnership.”

Para sa mga karagdagang impormasyon ukol sa Beautéderm Cristaux Supreme at exciting updates kay Dingdong at sa Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.