Advertisers

Advertisers

Calapeño umalma sa luxury cars ng kanilang mga opisyal…‘AYUDA TINIPID, LUHO NASUNOD!’

0 1,676

Advertisers

DAHIL sa Republic Act (RA) No. 11469, Bayanihan to Heal as One Act, otorisado ang lahat ng pamahalaan na i-reallocate, i-reprogram at i-realign ang pondo/budget upang gamitin o ipamahagi bilang ayuda sa mga apektadong komunidad, sektor at industriya dahil sa COVID-19 pandemic.
Mandato rin ng naturang batas ang pagsusumite ng report kaugnay sa mga hakbang na gagawin ng pamahalaan bilang tugon sa public health emergency.
Ayon sa utos ng ‘HEAL AS ONE ACT’, tulungan ang mga mamamayan na nawalan ng trabaho. Subalit kabaliktaran diumano ang ginawa ng pamahalaang panglungsod ng Calapan na pinamumunuan ng ‘last termers’ na sina Mayor Arnan Panaligan at Vice Mayor Gil Ramirez.
Ayon sa reklamo, sa gitna ng pandemya ay gumawa ng “resolution” ang Sangguniang Panglungsod (SP) para sa pagbili ng sampung (10) Isuzu mu-X (luxury cars) na ang bawat isa ay nagkakahalaga ng P1.4 milion na taliwas sa mandato ng gobyerno.
“Napakarami ng dapat gastosan ng pera ng lungsod, hindi yong “luxury car”. Tumaas ang Covid-19 cases, marami ang nagkasakit at dumaan ang malakas na bagyo marami ang namatay at nawalan ng bahay at pangkabuhayan pero pinipilit parin nila na tama ito. Kailangan ba talaga ang magagarang na sasakyan?”, ayon sa ilang Calapeño.
“This is wasteful and unnecessary. Dapat ginamit ang milyun-milyong pondo para i-supplement ang pandemic health response, o kaya para sa distance learning gadgets at materials ng mga guro at estudyante. Pwede rin sanang cash aid para sa mga Calapeño na nawalan ng trabaho at pangkabuhayan ngayong pandemya,” dagdag nila
Anila, “maluho” ang pinagkakatiwalaan nilang ama at pangalawang ama ng lungsod dahil sa gitna ng krisis o kahirapan dulot ng pandemya ay nakuha pang bumili ng magagarang sasakyan na dapat sana’y ipinantulong na lamang.
Ang masaklap, tinipid umano nina Panaligan at Ramirez ang ayuda para sa mga mahihirap na Calapeño na apektado ng COVID-19 pandemic at kalamidad kungsaan marami ang namatay, nagkasakit, nagutom, nawalan ng bahay at negosyo dulot ng hagupit ng magkasunod na malakas na bagyong Tisoy, Rolly, Quinta at Ulysses.
Nagtataka rin sila bakit “luxury cars” ang binili ng pamahalaang panglungsod gayung mayroon naman ‘di hamak na mababa ang presyo kung gagamiting ”service” lamang ng mga konsehal, Vice Mayor at Mayor.
Samantalang puwede naman anila pagtiyagaan ang dati nilang service na mga Toyota Inova hanggang sa matapos ang pandemya. Dahil sila nga ay nakapagtiyaga sa ayudang sardinas at noodles? Alam rin anila na may “separation of power” ang pamahalaang panglungsod na puwedeng gastosin kung saan nila gusto pero hindi dapat sa panahon ng COVID-19 pandemic na marami ang naghihikahos. (RONALD BULA)