Advertisers

Advertisers

Sa pagpatay sa mag-ina sa Tarlac…Nuezca binasahan na ng sakdal, pinasisibak na sa puesto ng IAS-PNP

0 282

Advertisers

PINASISIBAK na sa serbisyo ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (IAS-PNP) si Police Master Sergeant Jonel Nuezca.
Pahayag ni IAS Inspector General, Atty. Alfegar Triambulo, ‘dismissal from the service’ ang inirekomenda nila laban kay Nuezca bunsod ng pagpatay sa mag-inang Sonya at Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.
Gayunman, nilinaw ni Triambulo na rekomendasyon pa lamang ang isinumite nila kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Brig. Gen. Vicente Danao Jr. at ang heneral pa rin ang magdedesisyon kung sisibakin sa serbisyo o hindi ang naturang pulis.
Kaugnay nito, naghain ng not guilty plea sa korte si Nuezca.
Ayon kay Police Regional Office 3 o Central Luzon Police Director B/Gen. Valeriano De Leon, nabasahan na ng sakdal si Nuezca at mariin nitong itinanggi ang kasong murder na isinampa laban sa kaniya.
Kasabay nito, nagbigay na rin ng testimoniya ang ilang saksi na kumuha ng video ng pagbaril ni Nuezca sa mag-inang Gregorio na nag-viral sa social media.
Itinakda naman ng Paniqui Regional Trial Court Branch 67 sa Pebrero 4 ng taong ito ang susunod nilang pagdinig kaugnay sa kaso ni Nuezca.