Advertisers
PATAY ang isang negosyante nang pagbabarilin sa Tuguegarao City nitong Sabado ng tanghali.
Kinilala ang biktima na si Moises Joseph Collado, 34, residente ng Barangay San Gabriel.
Ayon kay Lt. Franklin Cafirma Jr., tagapagsalita ng Tuguegarao Police, nasa harap ng vulcanizing shop sa Barangay Carig Sur ang biktima nang ratratin ng M16 rifle ng mga hindi pa nakikilalang salarin.
“Pauwi naman na yata siya, sakto nagpa-vulcanize. Pero ganoon naman na ang nangyari,” ani Cafirma.
Narekober sa crime scene ang 5 basyo ng bala ng M16 rifle.
Nagsasagawa pa ng imbistigasyon ang pulisya sa krimen.